^

Metro

ASG, 79 pa tiklo sa ‘Oplan Galugad’

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umabot sa 80 katao na sangkot sa iligal na droga ang inaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa ginawang ‘Oplan Tokhang’ at ‘Galugad’ sa Brgy. Culiat, sa lungsod kahapon ng umaga.

Sinabi ni P/Supt. Danilo Mendoza, hepe ng QCPD Stn. 3, ito ang pangalawang operas­yon na kanilang ginawa sa Brgy. Culiat base na rin sa impor­masyong ipinarating ng mga concerned tribal leaders dito hinggil sa panunumbalik ng iligal na transaksyon ng droga.

Sinabi pa ng opisyal na mahabang oras ang ginugol nila bago ang pagsalakay dahil sa impormasyong tatlong bahay dito ang ginagawang  drug den.

Samantala, kabilang anya sa 80 mga naaresto ang 20 high value target at ang isa umanong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) subalit hindi pa ibinunyag ng opisyal ang pangalan.

Nilinaw ni Mendoza na ga­ling anya ang impormasyon o memorandum sa Camp Crame hingil sa ASG kung kaya masusi pa nilang pinag-aaralan ito bago sila gumawa ng aksyong masampahan ito ng kaso.

Sa kabuuan, dagdag ni Men­doza, umabot sa 100 gramo ng shabu at mga drug paraphernalia ang kanilang nasamsam na isusumite anya nila sa crime lab para sa kaukulang despo­sisyon.

Magugunitang August 31, 2016 nang unang salakayin ng PS-3 ang nasabing lugar kung saan nasa 72 katao ang naaresto dahil sa kahalintulad na aktibidad.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with