^

PM Sports

Dumapong-Ancheta kinapos

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nabigo si veteran powerlifter Adeline Dumapong-Ancheta na maduplika ang nakamit na karangalan ni table tennis bronze medalist Josephine Medina sa Rio Paralympics nang matalo sa women’s -86 kilogram competition.

Hindi nabuhat ni Dumapong-Ancheta ang 112, 116 at 121 kgs sa event na pinagreynahan ni Nigerian Josephine Orji sa pamamagitan ng bagong world at Paralympic record na 160 kgs.

Kinuha naman ni Polish Marzena Sieba (134) ang silver at inangkin ni Dutch Maleica Tuinfort (130kgs) ang bronze medal.

“I lifted as best as I could but it wasn’t good enough for a good lift,” wika ni Ancheta, ang bronze medalist noong 2000 Paralympics sa kanyang pang-limang sunod na Paralympic Games.

“It’s a challenge for me to work harder at my sport and have a go at it again in the next competitions,” dagdag pa nito.

Si Dumapong-Ancheta ang pinakahuling atleta sa five-member Team Philippines, na sumabak sa aksyon.

Sa kabila nito ay uuwi pa rin ang koponan na may bitbit na bronze medal mula kay Medina.

Tinapos ng 46-anyos na si Medina ang pagkagutom ng bansa sa medalya sa Paralympics nang talunin si German Julianne Wolf, 11-5, 11-6, 11-7 para sa women’s singles Class 8.

Umaasa si Medina, isang polio victim, na siya ay magsisilbing inspirasyon para sa mga Pinoy na may kapansanan.

“Never give up, no matter how hard the situation is; never complain, always find a way, an alternative and always take the righteous path; and put God first in everything you do,” sabi ni Medina.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with