^

PSN Showbiz

Jadine balik sa dating oras, Jericho at Arci ipambabala kay Dingdong!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi na ang Till I Met You ang makakatapat ng Alyas Robin Hood sa pagsisimula nito sa Lunes.

Nag-decide ang ABS-CBN management na itapat sa teleserye ni Dingdong Dantes ang Magpahanggang Wakas, ang drama series nina Arci Muñoz at Jericho Rosales na mag-uumpisa rin sa September 19.

Napapanood noon ang On The Wings of Love sa timeslot na paglalagyan ng teleserye nina James Reid at Nadine Lustre kaya walang dahilan para manibago ang fans nila.

Sexy drama ang Magpahanggang Wakas at action naman ang Alyas Robinhood.

Kung seksing-seksi si Arci sa teleserye nila ni Jericho, ang mga eksena ni Andrea Torres ang dapat abangan sa Alyas Robin Hood dahil tiyak na magsasabog din siya ng kaseksihan.

Si Miss World 2013 Megan Young ang other leading lady ni Dingdong sa Alyas Robin Hood.

Hindi nagpatalbog si Megan kay Andrea dahil may mga titillating scene din siya sa bagong primetime program ng Kapuso Network. Unang ipinakita ni Megan ang kaseksihan sa remake ng Mari Mar na ginampanan niya.

  Scarlet nakaw-eksena sa kasal nina Cristalle at Justin

Opisyal na ang pagiging Mrs. Pitt ni Cristalle Belo dahil ikinasal na siya kahapon sa kanyang mister na si Justin.

Ginanap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa Lake Como at sinaksihan ito ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Flower girl sa Justin-Belo wedding si Scarlett Snow, ang younger sister ni Cristalle. Nakaw-eksena ang bagets na sobrang taas ng IQ dahil sa edad na isang taon at kalahati, nakapagbabasa na siya.

At habang lumalaki si Scarlet, lalong nagiging kamukha siya ni Cristalle.

Maligayang-maligaya ang newlyweds dahil nakasama nila sa importanteng okasyon ang lahat ng tao na mahalaga sa kanila.

James hindi pa sure sa Pedro Penduko

Hindi pa sure kung si James Reid ang gaganap na Pedro Penduko pero umapir siya sa launch kahapon sa SMX Convention Hall ng Pendro Penduko comic book.

Malalaman natin sa mga susunod na araw kung ipagkakatiwala ng Viva Films kay James ang pagbibida sa movie version ng Pedro Penduko na ginampanan noon ng late action star na si Ramon Zamora.

Perfect na Pedro Penduko si James na lalong mamahalin ng mga bata kapag gumanap siya na Pedro Penduko sa pelikula o teleserye.

Alden lilitaw na sa Encantadia

Mapapanood na si Alden Richards sa Encantadia sa darating na linggo kaya wala nang dapat ikainip ang fans niya.

Matagal nang nagsimula ang taping ni Alden para sa primetime telefantasya ng GMA 7 at ito ang reason kaya hindi siya nakadalo noon sa anniversary presscon ng Sunday PinaSaya.

Inaasahan na makakatulong ang pag-apir ni Alden sa Encantadia para lalong tumaas ang rating nito.

Gwen at Jeremy sa isang resort sa bohol pakakasal

Ang Amorita Resort sa Panglao. Bohol ang pinili nina Gwen Zamora at Jeremy Marquez para pagdausan ng wedding reception nila sa first quarter ng 2017.

Normally, maganda ang panahon at hindi tag-ulan sa Pilipinas tuwing first quarter ng taon kaya hindi problema na idaos sa isang beach resort ang wedding reception nina Gwen at Jeremy.

Type sana ng dalawa na magpakasal sa Batanes pero hindi ganoon kadali. Limitado ang bilang ng mga eroplano na bumibiyahe sa Batanes, pati na ang mga hotel na tutuluyan ng invited guests ng mga ikakasal kaya perfect location para kina Gwen at Jeremy ang Bohol.

Pelikula nina Alex at Joseph usung-uso

Komportable sa isa’t isa sina Alex Gonzaga at Joseph Marco dahil nagtambal na sila noon sa isang teleserye ng ABS-CBN.

Nang gawin nila ang My ReboundGirl ng Regal Entertainment Inc., may rapport agad sina Alex at Joseph.

Isang babae na madalas na iniiwanan ng boyfriend ang role ni Alex sa My Rebound Girl hanggang makilala niya ang karakter ni Joseph.

Usung-uso ngayon ang mga hugot line at marami nito sa mga eksena ng My Rebound Girl.

Confident si Mother Lily Monteverde at ang kanyang anak na si Roselle na magugustuhan ng mga bagets ang kuwento ng pelikula nila na mapapanood sa mga sinehan sa September 28.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with