^

PSN Opinyon

Ang kakaibang Pilipina

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

SA tradisyon ni Hidilyn Diaz, ang kauna-unahang female Olympic medalist ng bansa, dalawa na namang magigiting at kahanga-hangang kababaihan ang nag-angat ng pangalan ng Pilipinas sa entablado ng mundo.

Si Janelle Mae Frayna ang kauna-unahang female chess grandmaster ng Pilipinas. Tubong Bikol at anak ng mga civil servant, si Janelle ay high school na nang natutong mag-chess mula sa kanyang kuya. Kakaiba ito dahil karaniwan, ang mga chess prodigy ay sa pagkabata pa lang naguumpisa ang pagkahibang. Di tulad ng ibang ipinanganak na may kaya, si Janelle, kasama ng kanyang ma­gulang, ay nakipagsapalaran nang kahit kulang sa pormal na training dahil hindi nito makayanan ang mataas na halaga ng may tutok na nagtuturo. Sa malaon ay hindi na talaga maikaila ang kanyang husay kung kaya naimbita itong maging bahagi ng FEU chess team on full scholarship. Ang pangarap na maging chess grandmaster ay hindi nito tinan­tanan. Ganoon din ang pangarap nitong mag-excel sa pag-aaral. Sa kanyang pagtapos sa FEU, may pag-asa pa itong mag-graduate na cum laude sa kabila ng kanyang pagpursigi sa chess.

Mayroon din tayong bagong idolo sa table tennis, ang Paralympic athlete na si Josephine Medina na napanalunan ang kauna-unahang medal (bronze) mula nang huli tayong mapagpala noong 2000. Ang disability ni Josephine ay ang kanyang polio. Sa ilalim ng Athletes incentives act, R.A. 10699, si Josephine ay makakakamit ng halagang P1 million. Ang ama ni Josephine ay National Team Player sa table tennis. Naging therapy ni Josephine ang table tennis nang ito’y magkasakit na polio. Kahit nasasabayan niya ang ibang atletang walang kapansanan, hindi siya pinayagang maging bahagi ng National Team. Ito ang nagsilbing motibasyon upang lalong magpursigi sa kanyang paglalaro.

Sina Janelle at Josephine, bayani ng kanilang sport at idolo ng taumbayan. Nagbibigay inspirasyon, naghahatid ng karangalan. Kapwa pangunahing halimbawa ng lakas ng kababaihan at husay ng Pilipino sa mundo. Congratulations sa kanila at sa buong Pilipinas!

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with