^

Metro

Drug den sa Quiapo sinalakay: 1 utas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang drug user  nang manlaban sa mga pulis matapos salakayin ang isang drug den kamakalawa ng hapon sa likuran ng Quinta Market sa may Muelle dela Quinta St., Quiapo, Maynila.

Tinatayang  nasa edad 25-30, may taas 5’, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng puti at itim na t-shirt ang  suspek, ayon kay SPO2 Bernardo Cayabyab, ng Manila Police District-Homicide Section.

Dakong alas-4:10 ng hapon nang salakayin ng mga ele­mento ng Focus Team Station Anti-Illegal Drugs ng Plaza Miranda Police Community Precinct ng MPD-Station 3 ang barung-barong, na matatagpuan sa likuran ng Quinta Market, sa Muelle dela Quinta St. sa Quiapo, Maynila.

Nauna rito, nakatanggap umano ng ulat ang mga pulis mula kay Kagawad Ervin Vincent Tobilla na ang naturang lugar ay ginagawang drug den kung kaya agad na isinagawa ang operasyon na dito naak­tuhan ang suspek na sumisinghot ng shabu.

Sa halip namang sumuko sa mga pulis ay kaagad umanong bumunot ng baril ang suspek at nanlaban kaya’t napilitan ang mga awtoridad na ipagtanggol ang kanilang mga sarili at gumanti ng putok na nagresulta sa pagkamatay ng suspek. Narekober ng mga pulis sa lugar ang isang kalibre .38 revolver na walang serial number, isang nakabukas na maliit na plastic ng shabu at dalawang pang sachet ng shabu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with