^

Bansa

PANOORIN: Cayetano, Trillanes nagkainitan sa Senate hearing

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philipines – Habang kinikilatis ni Sen. Alan Peter Cayetano ang umano’y miyembro ng Davao death squad  sa pagdinig ng Senado ay naantala ito nang patayin ni Sen. Antonio Trillanes IV ang kaniyang mikropono.

Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawang senador dahil sa haba ng kinakain na oras ni Cayetano hanggang sa pumagitna ang Senate committee on justice chair Leila de Lima.

"I would just like to inquire if there is unli-questioning allotted for a non-member of the committee, madam chair?" sabi ni Trillanes tungkol kay Cayetano na hindi miyembro ng komite.

BASAHIN: Umano'y miyembro ng Davao death squad idinawit si Duterte

Nagtawag ng dalawang minutong break si De Lima upang humupa ang tensyon ngunit nagkasagutan pa sina Cayetano at Trillanes.

Dating magkakampi ang dalawa nang dinirinig ang isyu ng mga maanomalyang proyekto sa lungsod ng Makati ni dating bise presidente Jejomar Binay.

"Tayong dalawa nung kay Binay, tatlong oras tayong dalawa e. So ngayon may nag-a-accuse kay Duterte hindi mo 'ko bibigyan ng time na magsalita dito. Timekeeper ka na ngayon?" banggit ni Cayetano.

BASAHIN: Mag-amang Duterte itinuturo sa pagkamatay nina Richard King, Jun Pala

Kilalang taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cayetano habang kilalang kritiko naman ng Pangulo si Trillanes.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with