^

PM Sports

Gavina pinagmulta ng P20K

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagkakahalaga ng P20,000 ang reklamo ni Mahindra rookie coach Chris Gavina ukol sa itinuring niyang ‘unusual call’ laban sa kanilang import na si James White sa laro nila ng Barangay Ginebra noong Linggo.

Ang naturang multa ay ipinataw ni PBA Commissioner Chito Narvasa kay Gavina kahapon.

Tinawagan si White ng flagrant foul (F1) matapos ang kanyang landing spot violation kay Sol Mercado sa three-point line bagama’t ipinasa ng Gin Kings’ guard ang bola kay Japeth Aguilar.

“That was one of the most unusual calls I have ever seen where on a pass, you got called for a landing-spot violation,” pahayag  ni Gavina. “That’s one of those plays that could really swing the momentum.

Dahil sa pag-upo ni White sa bench sa loob ng tatlong minuto ay napigilan ang paghahabol ng Mahindra na nagresulta sa kanilang 86-93 kabiguan sa Ginebra.

Pinatawan si White ng multang P7,500 dahil sa kanyang F1 kay Mercado.

Napatawan din si guard AJ Mandani ng mul-tang P7,500 dahil sa kanyang F1 kay Jimmy Reyes ng Meralco, habang tig-P5,000 naman kina Mark Yee at Leo De Vera sa pareho ring violation kina Meralco import Allen Durham at Rain or Shine big man Beau Belga, ayon sa pagkakasunod.

Pinagbayad naman si back-up big man Jason Ballesteros ng P1,000 dahil sa pagbababa niya ng shorts sa isang substitution.

Umabot sa kabuuang P46,000 multa ang ipinataw sa Enforcers.

Samantala, pinagmulta naman ng P7,500 si Rain or Shine rookie Maverick Ahanmisi dahil sa kanyang F1 kay San Miguel forward Arwind Santos, habang P5,000 kay Sunday Salvacion ng Globalport sa kanyang F1 kay Meralco forward Sean Anthony at P5,000 kay PJ Simon ng Star sa kanyang F1  kay TNT Katropa guard Ryan Reyes.                                                            

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with