Makati police binalasa
MANILA, Philippines – Anim na police precincts commanders sa lungsod ng Makati ang tinanggal sa kanilang pwesto dahil sa mababang performance na may kugnayan kontra droga at iba pang uri ng kriminalidad.
Ang mga tinanggal sa puwesto ay sina Chief Inspector Rody Tallud, ng PCP 1 Brgy Olympia; Senior Inspector Bernando Bacalso, PCP 3 Brgy. San Isidro; Chief Inspector Noel De Ocampo, PCP 7 Brgy. Guadalupe Nuevo; CI Rolito Pelayo, PCP 8 Brgy. West Rembo; CI Rommel Ressureccion, PCP 9 Brgy. Pembo at CI Armando Yu, PCP 10 Brgy Rizal.
Gayundin tinanggal din ang mga deputy commander na sina Sr. Inspectors (SIs) Valmark Funelas, ng PCP7 at Angelbert Alan ng PCP 5.
Ayon sa hepe ng Makati City Police na si Senior Supt. Rommil Mitra, ang pagbalasa sa nabanggit na mga commanders ay bunsod ng mababang performance ng mga ito sa pagpapatupad ng ‘Oplan Double Barrel’ o kampanya kontra sa ibat-ibang kriminalidad partikular ang droga.
Nagkulang din aniya ang nabanggit na mga commanders sa pag-aksiyon hinggil sa mga impormasyong ibinibigay ng mga concern citizen laban sa mag drug personalities.
- Latest