Beauty contest para sa malalaki ang puwit, ipinagbawal sa burkina Faso
IPINAGBAWAL na ng gobyerno ng Burkina Faso ang isang kakaibang beauty pageant para sa mga kababaihang may malalaking puwet.
Kumalat ang patalastas para sa beauty pageant na may pamagat na ‘Ms. Bim-Bim’ na nagpapakita ng larawan ng dalawang babaeng may napakalalaking mga puwet.
Hindi maganda ang naging pagtanggap ng publiko dito kaya nagpasya na ang gobyerno na ipatigil ang nasabing beauty pageant.
Ipinagbawal rin ang taunang beauty pageant dahil nakakasira daw ito sa imahe ng mga kababaihan, ayon sa isa mga ministro ng Burkina Faso na si Laure Zongo.
Hindi lang sa Burkina Faso matatagpuan ang mga beauty pageant katulad ng Ms. Bim-Bim dahil isinasagawa rin ang mga katulad na patimpalak sa ibang bansa na nasa West Africa, kung saan maganda ang pagkakaroon ng malaking puwet.
Halo naman ang reaksyon ng mga women’s rights groups sa isyu.
Maganda raw kasi na iniiba ng mga beauty contests na katulad ng Ms. Bim-Bim ang tradisyunal na konsepto ng kagandahan ngu-nit hindi pa rin ito lubos na nakakabuti para sa mga kababaihan na hinuhusgahan pa rin base sa kanilang itsura.
- Latest