^

Punto Mo

Carabao Man (126)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TINULUNGAN ni JP ang sarili. Kaya pala niyang magbago. At siguro kung ang lahat nang magiging addict sa droga ay tutulu­ngan ang sarili, madaling makakabangon sa kinasadlakan. Nasa tao na rin ang ikadadali nang paggaling sa pinasukang bisyo.

Pakiramdam ni JP, ma­galing na magaling na siya at kaunting panahon na lamang ang kanyang ilalagi sa rehab center na ito. Baka isang buwan na lamang at payagan na siyang makalabas.

Plano ni JP, paglabas sa rehab ay deretso na sila sa probinsiya. Gusto niya, sa unang araw na paglabas ay ang lugar na sinilangan ang makikita. Matagal-tagal din ang pamamalagi niya rito sa Maynila at kahit minsan, hindi siya umuwi. Masyado siyang naging abala sa pelikula na sa bandang huli pala ay iiwan niya at sa bukid din babagsak. Siguro ay hindi talaga siya para sa pelikula. Kanya-kanyang destinasyon ang tao.

Nang dumalaw ang kanyang itay, inay at kapatid na dalaga, sinabi na niya ang balak.

“Balak ko Itay, Inay, paglabas dito deretso na sa probinsiya. Gusto ko nang makita ang lugar natin.’’

“E sa palagay mo ba ma­galing ka na?’’

“Opo, Inay. Magaling na ako.’’

“Hindi ka na aabot ng anim na buwan?’’

“Hindi na po Itay. Maga­ling na talaga ako. Bagumbuhay na po.’’

“Salamat naman, JP.’’

Napaiyak ang ina ni JP.

“Sige kung yan ang balak mo, JP.’’

Nang dumalaw si Boy George, sinabi niya ang balak.

“Aba sige JP kung inaakala mong magaling ka na, maaari ka nang lumabas. Salamat naman at naging mabilis ang paggaling mo.’’

“Tinulungan ko ang a­king sarili, Boy George. Nang magsalita nga ako kahapon sa harap ng mga kapwa ko drug user, sabi ko sa kanila, tulungan ang sarili. Maging positibo ang pag-iisip. Magkaroon ng tiwala sa Diyos.’’

Tinapik-tapik ni Boy George si JP. Magaling na nga si JP. Maaari na nga itong lumabas para harapin ang bagong buhay.

(Itutuloy)

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with