^

Punto Mo

Tropa ni Baby M. na dating bagman ni Gen. Garbo, tigbak na sa CIDG!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

SUMUSUMPA si Calabarzon police director Chief Supt. Valfrie Tabian na hindi n’ya kilala ang tong collector na si SPO2 Paquito Chan. Ang nakakatawa nito mga kosa, sumusumpa din ang mga kasamahan ko sa media sa Southern Tagalog na palagi nila nakikita itong si Chan sa quarters ni Tabian. Hehehe! Sino kaya ang nagsasabi ng totoo sa magkabilang panig? Itong si Chan kasi at ang kaalyadong si SPO1 Antolin “Jhong” Valero ay nananalasa sa ngayon sa mga players ng sugal-lupa sa Calabarzon para makuha ang P2.6 milyon weekly payola ni Tabian. Nagkaroon kasi ng bidding at ang P2.6 milyon ang nanalo. Pun­yeta! Ano ba itong mga mistah ni PNP chief Dir. Gen. Bato de la Rosa at mahilig sa bidding ng weekly payola? At ang nanalo sa bidding? Itanong natin ‘yan mga kosa ke Sr. Supt. Tony Yarra, ang provincial director ng Quezon at baka kilala n’ya.

Habang nasasarapan si Tabian sa dumadating sa kanya na pitsa, dumistansiya naman itong si CIDG director Chief Supt. Roel Obusan sa tropa ni Baby M., ang dating bagman ni ret. Gen. Marcelo Garbo, ang isa sa limang police officials na isinangkot ni Pres. Digong sa droga. Nagbanta si Obusan na hindi n’ya sasantuhin ang sinuman na gagamit ng pangalan n’ya sa sugal-lupa at iba pang ilegal. Bumaho kasi ang pangalan ni Obusan mga kosa nang mangharibas ang tropa ni Baby M., hindi lang sa Metro Manila, kundi sa buong bansa para makuha ang P6 milyon na winning bid nila, di ba Chief Supt. Eliseo Rasco Sir? Hindi arok ni Obusan ang bidding na isinagawa ni Rasco? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Ayon kay Obusan, magtatrabaho na lang s’ya, at madami sa mga kosa ko sa Camp Crame ang nagsasabi na hindi naman talamak sa pitsa itong CIDG chief. Ano ang masasabi nila kay Rasco? Kayo na ang bahala magtanong-tanong sa Camp Crame mga kosa. Kaya ang maliwanag sa ngayon, ay walang inutusan itong si Obusan na mag-ikot at malilintikan ang sinuman na susuway sa kautusan n’ya. Nais ni Obusan kasi na sundan ang mga yapak ni Gen. Bato na BOKYA sa payola sa illegal gambling. Punyeta! Totoo kaya ito? Bigyan ng jacket ‘yan!

Siyempre, ang unang malulungkot dito sa kautusan ni Obusan ay ang mistah n’ya na si Rasco. Kung hindi na dadaan sa palad n’ya ang “budget”, ang matitira na lang na pagkakitaan n’ya ay ang patay na butas na STF, na binuhay n’ya. Kapag natanggal pa itong STF kay Rasco, ang matitira n’yang aasahan ay ang mga lubog na butas tulad ng paihi, oil smuggling at imported na paputok na lalaganap sa Metro Manila nitong Ber months. Get’s n’yo mga kosa? Kung sabagay, may ilang bigtime gambling lords din na direkta kay Rasco, ayon sa mga kosa ko sa Camp Crame. Punyeta! Lumaki kasi sa CIDG itong si Rasco kaya’t abot n’ya ang kalakaran sa sugal-lupa at iba pa, di ba mga kosa? Tumpak!

Siyempre, kasama sa malulungkot sa pagtanggal ng tropa ni Baby M. ay itong si SPO4 Ramon Makalintal na naka-assign sa opisina ni Rasco. Itong si Makalintal ang itinuturo ng mga kosa ko na taga-hatag ng allowance ng CIDG staff at operating units tuwing 15-30 ng buwan. Eh ano pa ang role ni Makalintal kung ang bayaw n’ya mismo na si Rasco ay nasagi ni Obusan? Hehehe! Weder-weder lang talaga ‘yan, di ba mga kosa?

Ang mga bataan naman nina Emeng Macasaet, Jun Alvaran at Boyet Kalabaw ay nagtawagan na sa mga contacts sa Metro Manila nila para sabihin na bibitaw na sila. Itong sina Macasaet, Alvaran at Kalabaw ay mga bata ni Don Ramon, na may pa-jueteng sa Quezon City na ipinalabas ni Baby M. na nakabili ng weekly payola ni Obusan. Inaamoy pa ng mga kosa ko kung totoong bumitaw na itong tropa ni Baby M. dahil sa suspetsang moro-moro lang itong pagbitaw sa mga bataan ni Don Ramon sa tong collection sa CIDG. Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with