^

Punto Mo

Mass transport ang pagtuunan ng pansin

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mukhang imbes na masolusyunan ang matinding trapik sa kahabaan ng EDSA, eh lalong lumala ang trapik dito sa mga susunod na araw.

Ito ay dahil muling makikita ang paglipana ng AUV express, sa naturang lansangan sa mga susunod na araw.

Magugunita na ibinawal ang mga AUV express na bumiyahe o dumaan sa EDSA para maibsan umano ang trapik  sa nabanggit na avenue, pero hindi pa nagtatagal bawi na uli agad ang tanggapan ng DOTr at ang LTFRB  at pinagbigyan ang kahilingan ng mga driver at operator na nabawasan umano ang kita nang hindi na sila padaanin sa EDSA.

Ang kondisyon ng DOTr at ng LTFRB ay sila mismo ang tutulong para maibsan ang matin­ding trapik dito.

Ang tanong, eh paano sila makakatulong para maibsan ang kalbaryo ng trapik? Ano ba ang pwede nilang gawin?

Malamang talaga na hindi na mababawasan ang mga sasakyang dumadaan sa EDSA, bagkus lalo pa itong dadami.

Ilang administrasyon na yata ang kung anu-ano ang ginawa para maibsan ang trapik dito pero mga nabigo.

Kasi nga hindi nadaragdagan o lumalawak ang daan, dumarami ang sasakyan, resulta nagsisiksikan, kaya nga siguro ang dapat nang pagtuunan ng gobyerno eh ang mass transport.

Kung maayos ang mga tren sa bansa, malamang mag-tren na lang kahit ang may mga pribadong sasakyan. Daan to para lumuwag ang mga lansangan

Dito na siguro dapat magpokus sa maaayos at maraming mass transport.

Matagal man na gawain, pangmatagalan naman ang solusyon.

Wala nang nakikitang  pag-asa na masolusyunan ang trapik partikular dyan sa EDSA.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with