Romero desididong itayo ang DoS
MANILA, Philippines – Desidido si Party-List Rep. Mikee Romero (1Pacman) na isulong ang Department of Sports (DoS) matapos madiskubreng walang solidong grassroots development program ang bansa.
“I asked PSC (Philippine Sports Commission) officials and DepEd (Department of Education) officials who’s in charge of grassroots sports. No one could give the answer. Nagturuan,” wika ni Romero.
Ang DoS ang sinasabing tutugon sa naturang problema na siya ring gagawa ng solidong programa para sa layuning makatuklas ng mga talentong huhubugin para sa mga international competitions sa mga susunod na henerasyon.
“Not until we find the answer to this question will we ever come up with a solid grassroots program,” dagdag ni Romero.
Sinabi ni Romero na hindi puwedeng isisi sa Department of Education at Philippine Sports Commission ang problema dahil limitado lamang ang mga galaw nito.
“Imagine our young students taking P.E. (Physical Education) classes for less than one hour the whole week,” ani Romero.
Malaking tulong din ang Palarong Pambansa na isang multisporting event para sa mga atleta sa elementary at secondary dahil isa ito sa pinagkukunan ng mga atleta para sa national team.
Subalit kailangan din aniyang rebisahin ang listahan ng mga nilalaro sa Palarong Pambansa.
“How many events are played in the Palarong Pambansa? They don’t even play all the Olympic sports there. Last time I checked, weightlifting is not even included in its calendar,” dagdag ni Romero.
Ang weightlifting ang nakapagbigay ng pilak na medalya sa 2016 Rio Olympics sa ngalan ni Hidilyn Diaz.
- Latest