^

Pang Movies

James masyado raw talagang guwapo para kay Nadine

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Parang kawawa naman si Nadine Lustre. Kahit na nga sinasabing ang kanilang love team ni James Reid ngayon ay team to beat, at sinasabing sila talaga ang katapat sa AlDub pagdating sa popularidad, parang unfair ang mga tao kay Nadine. Lagi nilang sinasabi, natatangay lang siya ng kanyang ka-love team na si James Reid.

Una naming narinig ang mga ganyang hindi magagandang comments noong i-launch sila kamakailan lamang bilang endorsers ng Bench. Ewan kung bakit nagkataon naman kasing parang mas malakas nga ang tilian ng fans kay James kaysa kay Nadine. Siguro dahil open nga ang nasabing lugar, hindi masasabing fans lamang nila ang naroroon. Marami roon ay mga namamasyal talaga at hindi nila fans. Siguro nga sa mga hindi fans, dahil marami naman sa crowd ay mga babae dahil fashion show nga iyon, natural lang na mas titili sila kay James. Hindi natin alam kung ang majority ng audience ay mga lalaki, baka naman mas malakas ang tilian kay Nadine.

May mga kritiko rin kaming naringgan na nagsasabing mas dapat yata ihanap ng mas magandang partner si James, kasi napakaguwapo niya at naiiwan si Nadine.

Pero baka nga nagiging unfair naman sila kay Nadine. Si James kasi, dahil sa may dugong foreigner at sa ganoon ding features, iba talaga ang tingin ng mga Pinoy. Si Nadine naman ay purong Pilipino, at para sa ating standards, ok na iyan.

Kung kami ang tatanungin, nagko-compliment nga iyon dahil kung pareho silang foreign looking, baka naman hindi rin sila gusto ng fans. The fact na kinakagat ng mga tao ang ginagawa nilang projects, aba eh accepted sila ng karamihan at tama na iyon.

Iyong opinion ng iba na sinasabing “hindi kagandahan si Nadine”, pabayaan na ninyo iyon.

Gabby hindi kinikilala ng isang anak

Sa kanya mismong social media account, inilabas ni Cloie Skarne ang kanyang picture matapos na manalong Miss Sweden-Earth, kasama ang kanyang stepfather, at may sinabi pa siyang “I love you dad”, na walang dudang ang tinutukoy nga ay ang asawa ng kanyang inang si Jenny Syquia.

Bagama’t nagpakasal si Jenny Syquia noon sa matinee idol na si Gabby Concepcion, matapos na makuha ang annulment ng kasal nila ng Megastar na si Sharon Cuneta, natapos sa hindi rin magandang usapan ang kanilang relasyon at tapos ay nakakuha rin ng annulment si Jenny sa kasal nila ni Gabby.

Nang magpunta si Jenny sa abroad, nakapag-asawa nga siya sa Sweden, at ang anak niya kay Gabby, si Cloie ay inampon legally ng kanyang asawa.

Natatandaan namin na parang nasabi rin ni Cloie na hindi pa niya nakakaharap ng personal si Gabby. Bagama’t natatandaan namin, may pagkakataong nagkita rin sina KC, Garie at si Cloie ng isang beses. Nakilala na niya ang mga kapatid niya at ok naman sila kahit na iba-iba ang nanay nila.

Pero masakit din iyon ano, ang ipinakikilala niya ngayong tatay niya ay ang stepfather niya.

Vice ipinagtanggol si Pres. Duterte

Natawa at natuwa kami sa comment ni Vice Ganda. Sabi niya hindi nagkakaroon ng terorismo dahil hindi makontrol ng presidente ang mga terorista. Sa halip ang mga terorista ang hindi makakontrol sa kanilang kademonyohan. May punto.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with