Dennis sawa na sa mga drama!
Sabi ni Dennis Trillo, sa November pa ang showing ng Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend? na pinagbibidahan nila nina Anne Curtis at Paolo Ballesteros, pero naglabas na ng teaser ang Viva Films at klik na agad sa mga nakapanood nito. In less than 24 hours, may 2.8-M views na ito.
Sa short teaser na ipinakita, si Anne ang nagsasalita at nasa gym siya kasama ang mga beki. Aliw ‘yung eksena na nagbigay ng tips si Anne kung paano malalamang bading ang lalaki na naglalagi sa gym.
Ang ganda ng pasok ni Dennis sa gym. Sabi nga ni Mario Bautista, “luminous” ang kanyang dating at guwapong-guwapo.
Mga ganitong tema ng pelikula muna ang gustong gawin ni Dennis, at iwas sa mga heavy drama. Pati nga sa TV gusto niya comedy, o light romance gaya ng katatapos na Juan Happy Love Story nila ni Heart Evangelista.
Pero ang dream movie niya ay horror na sobrang nakakatakot dahil mahilig siya sa experimental.
Natanong tuloy si Dennis kung gusto niyang magdirek ng pelikula sa tamang panahon. Uunahin daw niyang magprodyus ng pelikula bago maging director.
Anyway, hindi na tuloy this September ang Heartthrobs concert nina Dennis, Tom Rodriguez, Derrick Monasterio at Alden Richards. Next year na ito matutuloy.
Anne pinaglihian ni Mariel
Si Anne Curtis pala ang isa sa pinaglihian ni Mariel Rodriguez para sa baby girl nila ni Robin Padilla na papangalanan nilang si Maria Isabella. Isa si Anne sa bisita nina Mariel at Robin sa baby shower at ikinuwento nito sa Instagram (IG) kung bakit niya napaglihian si Anne. “When I found out I was pregnant and haven’t told anyone...I was at (It’s) Showtime and during commercial breaks Anne would sing...so one showtime day Anne was doing her normal thing (singing) being the positive, cheerful, lighthearted, beautiful, sexy, warm and friendly person that she is without knowing the gender of my baby i told myself “paglilihian ko itong si Anne.” I hope my baby girl gets all those qualities from you. we love you @annecurtissmith kahit makuha pa ni Isabella singing voice mo okay na rin hindi naman nalalayo sa akin,”
Sumagot si Anne ng “Hahahaha love you ma!!! Can’t wait to meet Maria Isabella!!! What if maganda ng sobra-sobra ung voice nya noh! Ill produce the concert. Hahahaha!”
Bagong single ni Alden hinuhulaang malalampasan ang Wish…
Panalo ang bagong single ni Alden Richards na Rescue Me dahil maganda ito. Ang lakas ding maka-Last Song Syndrome o LSS at baka lagpasan pa nito ang kasikatan ng Wish I May na incidentally, ay isinulat din ni Agat Obar-Morallos na siya ring nag-back up vocals kay Alden sa Rescue Me.
Starting September 9, puwede nang mai-download sa lahat ng digital stores (iTunes, Google Play, Amazon at iba pa) ang Rescue Me. Sa nasabi ring petsa ay simula na ng pre-order ng bagong album ni Alden na Say It Again. Sa October 10 ang official release ng bagong album ni Alden.
Ang isa pang hinihintay ng fans ni Alden ay ang paglabas niya sa Encantadia.
Therese hindi nababakante
Iba na talaga ang mahusay na aktres dahil hindi nawawalan ng pelikula. Tulad na lang ni Therese Malvar na kasama sa cast ng bagong pelikulang may title na Ilawod sa direction ni Dan Villegas. Mga bida sa movie sina Iza Calzado at Ian Veneracion.
Huli naming napanood si Therese sa indie film na 123 kung saan, muli siyang nagpakita ng husay kasama sina Barbara Miguel at Carlos Dala. Isa si Therese sa ipinagmamalaking talent ng GMA Artist Center.
Muling mapapanood si Therese sa TV sa Afternoon Prime na Oh, My Mama na tatampukan nina Jake Vargas, Inah de Belen, Ryan Eigenmann, Epy Quizon at Gladys Reyes. Sa September 19 daw ang pilot nito sa direction ni Neal del Rosario.
- Latest