Nawala matapos mapanood ng 3 million trailer ng movie nina Anne, Paolo at Dennis sinabotahe!
Misteryosong naglaho sa Facebook ang teaser ng Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend at palaisipan ito para sa direktor na si Jun Lana.
Starring sa Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend ng Viva Films sina Dennis Trillo, Paolo Ballesteros at Anne Curtis.
Unang ipinakita ang bonggang teaser ng pelikula sa premiere night ng Camp Sawi at very positive ang mga feedback mula sa manonood kaya tuwang-tuwa ang Viva Films.
Nang ilabas sa Facebook ang teaser ng Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend, tatlong milyon agad ang hits pero biglang nabura ang link at kinumpirma ito ni Jun.
“After reaching over 3M views in less than 1 day, our teaser mysteriously disappeared on Facebook! We’re still checking why. But anyway, big thanks to everybody who viewed, liked, commented and shared so enthusiastically,” ang wondering reaction ni Jun.
May sumabotahe kaya sa teaser ng Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend dahil sobrang lakas ng dating nito? May na-insecure ba kaya pinuntirya na mabura ang teaser ng Dennis-Anne-Paolo movie? Malalaman natin ang sagot kapag natapos na ang imbestigasyon ni Jun at ng Viva Films.
Oyo to the rescue sa mga naninira kay Pres. Duterte
“Doon kayo sa ibang bansa, magsilayas kayo!” ang emote ni Oyo Sotto laban sa mga kababayan na walang puso at gumagawa ng kuwento na may kinalaman si President Rodrigo Duterte sa pambobomba sa Davao City noong Biyernes.
Katsipan talaga ang isyu dahil pati si PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa, na-offend sa ganoong klase ng tanong sa presscon niya kahapon sa Camp Crame bago siya lumipad sa Davao.
Ganyan talaga ang buhay, we cannot please everybody. May mga tao na ipinanganak para maging kontrabida, maghasik ng gulo at mag-isip ng masama laban sa kapwa.
Agree nga si Oyo sa isang post na “Kapag ibang bansa ang binomba, ang lakas n’yo na maka-#PrayForFrance, etc. pero nu’ng Pilipinas na, ginawa n’yong biro.
“Sinisi n’yo agad ang presidente. Puro kayo talkshit! Puro kayo hypocrite! Nalulungkot ako dahil may mga Pilipino na katulad n’yo! Ikinahihiya ko kayo kaya hindi umuunlad ang Pilipinas dahil sa inyo!”
Parang may karga? Pepe Smith kakaiba ang trip sa Bulaga
Marami ang naloka sa guesting kahapon ni Pepe Smith sa Eat Bulaga dahil parang hindi normal ang kanyang mga kilos at pagsasalita kaya natawa na lang ang co-judges niya sa Music Heroes na sina AiAi delas Alas at Tom Rodriguez.
May mga nagtatanong nga kung lasing ba o whatever si Pepe dahil sa inasal niya kahapon sa Eat Bulaga?
Naalaala ko tuloy ang guesting noon ni Pepe sa Startalk. Matino naman si Pepe nang umapir noon sa dating talk show namin sa GMA 7 pero naloka ang lahat dahil muntik nang malaglag ang pustiso niya. Mabuti na lang, nasalo niya agad.
Baka naman maluwag uli kahapon ang pustiso ng Rock Icon kaya hindi niya makontrol ang pagsasalita at napagkamalan siya na wala sa sarili.
- Latest