^

Police Metro

Ginang dinos-por-dos ng lover

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa
Ginang dinos-por-dos ng lover
Sabrina M.

MANILA, Philippines - Basag ang ulo ng isang 31-anyos na ginang matapos na siya ay hambalusin ng dos por dos ng kanyang selosong lover naganap kahapon ng madaling araw sa Manzano Village, Purok Concepcion, Brgy. 5, Banga, South Cotabato.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktima na kinilalang si Hazel Jane Mayo Garpao, 31, residente ng nasabing lugar. Habang ang suspek na tumakas ay ang lover nitong si Rodelio Bigno Manzano, 30, obrero.

Sa imbestigasyon ni PO2 Laila Vencer, bago naganap ang krimen dakong alas-3:00 ng mada­ling araw ay nakarinig ang kapitbahay na si Rommel Manzano, ng sigaw mula sa tinutuluyan ng maglive-in.

Kaya’t nang puntahan niya ito ay nakita ang biktima na duguang nakahandusay habang ang suspek ay nakita nitong tumatakas.

Isinugod niya ito sa ospital, subalit idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

SABRINA M

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with