^

Police Metro

Ina nabaliw: 4 anak, kapatid pinagtataga

Joy Cantos - Pang-masa
Ina nabaliw: 4 anak, kapatid pinagtataga
Booze on the tracks: Emily Blunt plays unhappy alcoholic Rachel who witnesses… something (she thinks) in The Girl on the Train.

MANILA, Philippines - Pinagtataga ng isang ina na umano ay nasi­raan ng bait ang kanyang apat na anak kabilang ang isang 4 buwang gulang na sanggol at kapatid nito kamakalawa sa Pob­lacion, Cabanglasan, Bukidnon.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Municipal Health Office ang sanggol na si Mark Butlogan habang patuloy na ginagamot ang   magkakapatid na sina Angela Butlogan, 10;  ang kambal na sina Amolaas at Katerina, kapwa 7 at tiyahin nilang si Jonela Timbak, 13 sa Bukidnon Provincial Medical Center.

Ang ina ng magkakapatid na si Moning, 35 ay nagtangka ring magpakamatay sa pamamagitan nang paggilit sa kanyang leeg.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-3:40 ng hapon sa loob ng bahay ng pamilya na matatagpuan sa Purok 4, Poblacion, Cabanglasan ay tila wala sa sarili ang ginang na malalim ang iniisip na napuna ng mga kapitbahay.

Nagulantang na lamang ang mga kapitbahay sa malalakas na palahaw ng mga paslit  at nang tunguhin ang tahanan ng pamilya ay dito na nadiskubre ang krimen.

vuukle comment

MURDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with