EAC, JRU, Letran nagpalakas
MANILA, Philippines - Nagtala ng mahalagang panalo ang Emilio Aguinaldo College at Jose Rizal University sa pagpapatuloy ng NCAA Season 92 men’s basketball tournament sa San Juan Arena kahapon.
Pinabagsak ng EAC Generals ang Lyceum, 73-66 upang bigyang buhay ang kanilang tsansa sa Final Four matapos umangat sa 5-9 panalo-talo para makatabla na nila ngayon ang kanilang biktima.
Nanguna sina Hamadou Laminou at Sydney Onwubere para sa Emilio Aguinaldo sa kanilang 20 at 16 points ayon sa pagkakasunod ngunit si captain Francis Munsayac ang nagtala ng 11 sa kanyang 15 points.
Bumangon naman ang Jose Rizal sa masamang alaala ng kanilang nakaraang kabiguan matapos ang 71-63 panalo sa St. Benilde sa unang laro.
Nagpakawala sina Cameroonian Abdel Poutouochi, Paolo Pontejos at Teytey Teodoro ng 14, 14 at 11 points, ayon sa pagkakasunod nang iselyo ng Bombers ang ikawalong panalo sa 14-laro para manatiling nakabuntot sa Mapua Cardinals (8-5).
Bumawi sina Poutouochi, Pontejos at Teodoro na nalimitahan sa pinagsama-samang 16 points sa nakakapanlumong 60-63 pagkatalo sa Emilio Aguinaldo noong Martes na kanilang iprinotesta.
Wala pang desisyon ang league board ukol dito as of presstime.
“We have no choice but to win all our remaining games. We did it last year, we could do it again,” sabi ni JRU coach Vergel Meneses. “It’s a collective effort hindi lang naman si JP, ‘yun ‘yung maganda sa game namin ngayon,” ayon kay Letran coach Jeff Napa. “It’s better to perform bago namin isipin kung saan kami aabutin.”
Sa ikatlong laro, mahusay na depensa ang ipinamalas ng defending champion Letran laban sa San Sebastian tungo sa 73-61 panalo para manatiling may pag-asa sa Final Four.
Umangat ang Letran Knight sa 7-7 kartada habang nalaglag naman ang Stags sa 5-10.
- Latest