Pagtigil ng operasyon ng LTO dahil sa power circuit breaker
MANILA, Philippines - Nagkaroon ng problema sa power circuit breaker na nakakonekta sa server ng IT provider ng Land Transportation Office (LTO) kayat natigil ng may tatlong oras ang transaksiyon sa mga tanggapan ng LTO sa buong bansa kahapon.
Ayon sa pamunuan ng Stradcom, It provider ng LTO, dahil sa problema sa circuit breaker ay namatay ang server ng mahigit isang oras.
“Yung circuit breaker,nag trip...may nadetect na fault along the line kaya na cut ang power sa ating server” ayon sa Stradcom.
Anya, humaba ang oras na natigil ang operasyon sa LTO dahil sa matagal ang muling pagbabalik ng power sa server.
Makaraan ang tatlong oras na pagkawala ng transaksiyon ay naibalik din naman sa normal ang operasyon ganap na alas-10:28 ng umaga.
Una nang iniulat ng Department of Transportation (DOTr) na bumagsak ang IT system ng LTO nationwide na nagresulta sa ilang oras na pagkaantala ng mga transaksyon sa ahensya noong Huwebes.
Humingi naman ng paumanhin si LTO Assistant Secretary Ed Galvante sa publiko dahil sa pangyayari.
- Latest