^

Pang Movies

Laos at palaaway na artista target ng PDEA!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Laos at palaaway na artista target ng PDEA!

Natawa talaga ako sa pralala ng Philippine Drug Enforcement Agency na mga artista na sikat at laos ang kasali sa listahan ng mga showbiz personality na gumagamit ng bawal na gamot.

Kapag naririnig ko kasi ang laos na word, ang pangalan ng isang artista na literal na laos at quarrelsome ang pumapasok sa isip ko.

Matagal nang balita na lulong sa droga ang laos na artista na kinumpirma ng kamag-anak niya na dating malapit sa kanya.

Hindi ako magbibigay ng clue tungkol sa identity ng laos na artista. Kayo na ang bahalang magdiskubre kung sino siya.

 30 artista na hooked sa droga kilala na!

Ang sey pa ng PDEA, tatlumpo ang bilang ng mga artista na hooked sa illegal drugs at makikita ang pangalan nila sa list na hawak ng naturang go­vernment agency.

May mga umarko ang kilay dahil sa pagkakaalam nila, lampas sa tatlumpo ang bilang ng mga showbiz personality na gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamot. Masyado raw konti kung thirty lang.

Anuman ang sabihin ng doubting Thomases, ang statement pa rin ng PDEA ang paniniwalaan ko dahil tiyak na dumaan ito sa masusi na imbestigasyon at verification. Hindi naman basta maglalabas ng statement ang PDEA kung kulang ang mga ebidensya na hawak nila.

Direk Irene ng Camp Sawi nirerekomenda na magdirek sa serye ng AlDub

Maling-mali ang akala ng fans nina Alden Richards at Maine Mendoza na walang plano ang GMA 7 na big­yan ng primetime teleserye na pagbibidahan ang kanilang mga idol.

Hindi madaling bigyan ng project sina Alden at Maine dahil isang magandang kuwento at mahusay na direktor ang kailangan para makatiyak na talagang susubaybayan ng lahat ang teleserye ng AlDub.

Matagal nang naghahanap ang GMA 7 ng perfect material para sa teleserye na tatampukan nina Alden at Maine.

Kung sa pagpili ng direktor ang isyu, may mga suggestion na kunin ng GMA 7 si Irene Villamor, ang direktor ng blockbuster movie na Camp Sawi.

Impressive ang pamamahala ni Irene sa Camp Sawi dahil forte niya ang mga romantic at feel good movie kaya malaki raw ang magiging contribution niya sa pinaplano na teleserye para kina Alden at Maine.

Matagal nang direktor si Irene ng mga television show ng GMA 7 dahil assistant siya ni Joyce Bernal. Ang mga episode ng Magpakailanman at That’s My Amboy ang ilan sa maraming project ni Irene sa Kapuso Network.

Gab Valenciano at asawa nilayasan na ang bahay sa Amerika

Confirmed na hiwalay na si Gab Valenciano sa kanyang misis na si Tricia Centenera.

Ang tsismis na nakarating sa akin, iniwanan na ng mag-asawa ang bahay sa US na naging lovenest nila matapos ang kanilang kasal noong 2015.

Tikom pa ang bibig ng mag-dyowa tungkol sa kanilang pag­hihiwalay kaya pahulaan pa ang tunay na dahilan.

Hindi naman ang tipo ni Gary Valenciano, ang fadir ni Gab, ang magsasalita o magpapaliwanag tungkol sa kinahantungan ng pagsasama ng kanyang anak at manugang.

Ikinalungkot ng concerned friends ng Valenciano couple ang nangyari dahil ang akala nila, pang-forever na ang relas­yon nina Gab at Tricia na kapwa larawan ng kaligayahan nang mapagkasal noong nakaraang taon.

vuukle comment

KOMIKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with