^

Bansa

DOLE magdaragdag ng Labor Attache sa Saudi

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang mas madaling maserbisyuhan ang may isang milyong overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia, magpapadala na ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng karagdagang labor attache at welfare officer sa nasabing bansa.

 Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello, sa halip na isa, dalawang labor attache sa bawat Philippine Overseas Labor Office o POLO sa Middle East ang kanilang itatalaga.

 Sa pamamagitan umano nito, mas mabibigyan ng serbisyo ang mga OFW na naiipit ngayon sa mga bansa sa Middle East.

 Una rito, pinauwi ni Bello ang ating mga labor attache sa Riyadh at Jeddah na sina Rustico dela Fuente at Jainal Rasul dahil sa kabiguan nilang magampanan ang kanilang trabaho.

 Sina Dela Fuente at Rasul ay pinauuwi bago sumapit ang Oktubre 1.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with