^

PM Sports

Ginebra sa quarters

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kasabay ng pagtatala sa kanilang ikalawang sunod na panalo ay nasikwat ng Barangay Gi-nebra ang isang quarterfinals seat.

Sa kanilang ‘Manila Clasico’ ay pinatumba ng Gin Kings ang kari-bal na Star Hotshots, 116-103, sa 2016 PBA Governor’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Bumangon ang Ginebra mula sa 13-point de-ficit sa third period para kunin ang 99-84 abante sa huling 6:35 minuto ng final canto.

Samantala, ilang oras bago ang laro ay saka pa lamang nalaman ni Alaska coach Alex Compton na hindi maglalaro ang may injury na si import Eric Dawson para sa Blackwater.

“In our preparations he was a part of it. Dito ko lang narinig na hindi siya maglalaro,” sabi ni Compton.

Kumamada si import LaDontae Henton ng game-high na 33 points, 8 rebounds at 3 assists para pagbidahan ang 107-87 panalo ng Aces laban sa Elite.

Naglista si Henton ng 13 points sa second period para ilayo ang tropa ni Compton sa halftime, 54-36, bago palobohin ang kanilang kalamangan sa 82-54 sa pagtatapos ng third quarter.

Ang ikatlong panalo ng Alaska ang bumuhay sa kanilang pag-asa sa quarterfinals. 

Nakabawi ang Aces mula sa naunang kabi-guan sa nagdedepensang San Miguel Beermen, naglaro nang wala si import Arizona Reid.

Bukod kay Dawson, hindi rin naglaro ang mga may injury na sina Reil Cervantes at JP Erram para sa Blackwater, nalasap ang ikaanim na sunod na kamalasan.

Nagdagdag si rookie Kevin Racal ng 12 mar-kers kasunod ang 11 ni Ping Exciminiano.

Tumipa si rookie Ar-thur Dela Cruz ng 23 points para sa Blackwater.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with