Routine ng mga genius
Marami sa mga artists na regular na naglalakad na kailangan para magising ang kanilang pagiging creative at inspirasyon.
Si Charles Dickens na kilalang English writer ay inaaabot ng tatlong oras sa paglalakad tuwing hapon bilang exercise niya bago ito makapagsulat. Si Pyotr Tchaikovsky ay namamasyal ng dalawang oras o higit pa na hindi agad bumalik sa kanyang bahay. Kapag hindi ginagawa ng Russian composer ang paglalakad ay nagkakasakit ang matanda.
Maging si Ludwig van Beethoven na mahaba rin ang paglalakwatsa pagkatapos nitong kumain ng tanghalian. Bitbit pa ang kanyang lapis at papel lalo na kapag inspirado itong magkompos. Maging ang composer na si Erik Satie ay enjoy sa paglalakbay mula Paris hanggang sa kanyang lugar. Tumitigil pa ang French composer at pianist sa ilalim ng poste para isulat ang kanyang maisipang ideya sa mula sa kanyang paglalakad ayon sa Reader’s Digest.
- Latest