^

PM Sports

Lady Maroons makikisosyo sa liderato sa Group B

Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang ikalawang panalo na maghahanay sa kanila sa maagang pamumuno ang tatangkain ng  University of the Philippines sa pagsabak nila nga­yon sa Shakey’s V League Season 13 Collegiate Conference.

Sa unang laban, mag-uunahan ang Tehcnological University of the Phi­lip­pines Lady Engineers at ang National University Lady Bulldogs na makamit ang solong liderato ng Group A sa kanilang pagtatapat sa alas-4 ng hapon sa Philsports Arena sa Pasig.

Makikipagtuos ang Lady Maroons, nasa ilalim ng UST Tigresses, sa College of St. Benilde Lady Blazers sa ganap na alas-6 ng gabi.

Sina Diana Carlos, Nicole Tiamzon, Kathy Bersola at Isa Molde ang aasahan ng UP kontra sa reigning NCAA champs na CSB na sasandig kay Jeanette Panaga at mga guest players na sina Janelle Cheng at Janine Navarro.

Wala namang guest player sa kanilang line-up na sasandalan ang Lady Bulldogs at muling ibabandera sina Jorelle Singh, Jaja Santiago, Riza Sato  at Aiko Urdas katuwang ang setter na si Justine Nabor.

“Magagaling at beterano pa ang mga guest players nila,” wika ni NU head coach Edjet Mabbayad sa TIP. FMLumba

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with