^

Police Metro

Motorista binalaan sa paggamit gadgets habang nagmamaneho

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa pagputok ng Pokemon Go sa Pilipinas ay agad na nagbabala ang pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na may batas na nagbabawal silang maglaro ng gadgets habang nagmamaneho.

Ang “Pokemon Go” na isang interactive cybergame ay  layong manghuli ng mga “Poke monsters” kahit saang lugar kabilang sa mga kalsada.

Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, pag­labag sa “Distracted Driving Act” ang paglalaro ng Pokemon Go habang nagmamaneho at may katumbas na multa hanggang P15,000. 

Bukod sa paglalaro, kabilang rin dito ang pagti-text o pagtawag at pagtanggap ng tawag habang nagmamaneho.

Nagbabala rin ang MMDA na hindi papapasukin sa MMDA Building sa Orense Street, Makati City ang sinuman na naghahanap ng mahuhuling Pokemon makaraang mabatid na naitalaga sa naturang laro ang gusali na “Wallflowers Pokemon Gym”.

Huhulihin din ng kanilang mga guwardiya ang mga aali-aligid sa gusali lalo na kung gabi para manghuli ng Pokemon.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with