^

Pang Movies

Rio Oympics ginastusan ng milyun-milyong dolyares ng TV5!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang TV5 ang official broadcaster ng Rio Olympics na nagsimula kahapon.

Live na napanood sa Kapatid Network ang opening ceremony ng Rio Olympics na nakakamangha at ginastusan ng Brazil ng milyung-milyong dolyar.

Labingtatlo ang bilang ng mga Pinoy athlete na lalaban sa iba’t ibang laro sa Rio Olympics. Ipagdasal natin na manalo ng mga medalya, gold, silver o bronze ang Pinoy delegates sa Rio Olympics para hindi mabale-wala ang kanilang effort at training.

Magpasalamat din tayo sa Kapatid Network dahil ihahatid nito ng live sa Pinoy televiewers ang mga kaganapan sa Rio Olympics. Malaki rin ang gagastusin ng TV5 para sa live coverage ng Rio Olympics na tinututukan ng buong mundo.

Arnell walang planong tantanan ang driver na winasak ang bagong gawang kalsada

Kumilos si Arnell Ignacio para matukoy ang identity ng motorista na dumaan sa bagong sementado na kalsada na ikinasira nito.

Nakipag-ugnayan na si Arnell kay DPWH Secretary Mark Villar para ma-trace nito ang nagmamay-ari ng sasakyan na dapat managot sa pagsira niya sa government project.

Tiyak na malalaman ang pangalan ng driver dahil nakunan ng litrato ang plate number ng sasakyan niya.

Marami sa mga kababayan natin ang walang disiplina at hindi marunong sumunod sa batas. Tama ang ginawa ni Arnell na pakikialam para maturuan ng leksiyon ang pasaway na motorista.

Lilia Cuntapay inulan ng tulong

Bumuhos ang tulong sa veteran actress na si Lilia Cuntapay na hindi makatayo at makalakad dahil may problema siya sa kanyang spinal cord.

Nag-usap ang mga direktor at artista na nakatrabaho ni Lilia sa telebisyon at pelikula para matulungan ang 81-year old actress na kinikilala bilang Horror Queen ng Pilipinas.

Nakilala si Lilia dahil siya ang madalas na gumaganap na aswang sa horror films.

Hindi nabale-wala ang panawagan ni Lilia dahil marami ang nagpakita ng interes na tulungan siya. Nanunuluyan ngayon si Lilia sa bahay ng kanyang anak sa Pinili, Ilocos Norte.

Jam Morales contestants ng The Voice at American Idol ang mga estudyante

Halos hindi nagbago ang itsura ng singer na si Jam Morales na naririto sa Pilipinas dahil may mga raket siya na tinanggap.

Nineteen years na hindi nakauwi ng Pilipinas si Jam na siguradong nagulat dahil malaki na ang ipinagbago ng Metro Manila.

Umapir kahapon si Jam sa Eat Bulaga at halata ang excitement niya dahil parang ayaw bitawan ng singer na nagpasikat sa Even If at A Smile In Your Heart ang hawak na microphone.

Voice lesson teacher sa USA si Jam na ipinagmalaki na mga contestant sa The Voice, American Idol at ibang mga singing contest sa Amerika ang kanyang mga estudyante.

Pamangkin si Jam ng rock icon na si Sampaguita. Naranasan niya na gumawa ng pelikula at magkaroon ng mga television show bago siya nag-migrate for good sa USA. Naging co-host din si Jam ng GMA Supershow.

Ang dating singer na si Charles Harner ang ex-husband ni Jam at tatlo ang kanilang anak. Friends pa rin ang dalawa, kahit hiwalay na sila.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with