^

Police Metro

Foreman patay sa payroll robbery/holdup

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagbuwis ng buhay ang isang 66 anyos na construction foreman  makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang holdaper nang pumalag sa P.2 M payroll money robbery sa naganap na karahasan sa Sampaloc, Maynila kamakalawa ng hapon.

Dalawang tama ng bala sa ulo at dibdib ang tumapos sa buhay ng biktimang si Floro Orille, foreman ng isang construction company na sub-contractor ng  City Gold Cons­truction,   at residente ng no. 56 Agno st. , Quezon City.

Sa ulat ni  SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa Earnshaw st, sa may panulukan ng  Fajardo st.,  Sampaloc, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon, galing sa sangay ng China bank ang biktima at nag-withdraw ng nasabing pera  na pampasahod sa kanilang mga empleyado ng holdapin ng mga suspek na motorcycle riding in tandem.

Nabatid na pumalag ang matanda kaya pinagbabaril ng mga suspek at ng duguang bumulagta ay tinangay ang bag nito na naglalaman ng pera saka mabilis na tumakas. Iniimbestigahan pa ang kasong ito.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with