Digicomms, PSC wagi sa Friendship Cup
MANILA, Philippines – Nakisalo sa liderato ang Full Blast Digicomms habang iniuwi ng Philippine Sports Commission ang una nitong panalo sa ginaganap na 2016 Friendship Cup - Para Kay Mike Basketball for a Cause Tournament noong Lunes ng gabi sa makasaysayang Rizal Memorial Coliseum.
Nagawang ipasok ni Rod Manalon ang krusyal na dalawang freethrows sa natitirang anim na segundo ng laro upang basagin ang 51-all na iskor bago nadipensahan ng PSC sa natitirang tikada ang miyembro ng Poker King Club para iuwi ang mahigpitang 53-51 panalo.
Sinamantala naman ng Full Blast Digicomms ang nakarating na lima katao matapos maipit sa malakas na ulan ang mga miyembro ng Sports TV5 upang iuwi ang 83-70 panalo sa torneo na hangad makatulong sa pagkalap ng pondo para sa pagpapagamot ng manunulat na si Mike Lee ng pahayagan na Bandera.
Dalawang koponan pa ang nagnanais sumali sa torneo na susuportahan na rin ng F2 Logistics Cargo Movers at SportsCORE kasama ang bagong pamunuan ng Philippine Sports Commission sa liderato ni Chairman William “Butch” Ramirez.
- Latest