^

PSN Palaro

Blu Girls durog sa US

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lumasap ang Philippine Blu Girls ng maasim na 1-11 kabiguan sa kamay ng world No. 2 Amerika sa pagsisimula ng World Cup softball championship na ginaganap sa  ASA Hall of Fame Complex’s OGE Energy Field sa Oklahoma City.

Mainit ang panimula ng Blu Girls nang umiskor ito ng unang puntos mula sa pagsisikap ni Queeny Sabobo sa first inning.

Subalit mabilis na sumagot ang mga Amerikana nang humataw ito ng anim na runs para lumayo agad sa 6-1.

Hindi umumbra ang lakas ni Blu Girls pitcher Sierra Lange na nagbigay ng apat na hits sa host team.

Higit pang nag-init ang Amerika sa huling sandali ng laro upang tuluyang ipalasap sa Blu Girls ang kanilang unang kabiguan.

Nagtala ang Amerika ng kabuuang 12 hits tampok ang tatlong home runs mula kina Lange, Annalie Benjamen at Rizza Bernardino na nagsalitan sa pitching plate.

Malakas na puwersa naman ang ibinigay nina Ame­rican picthers Jessica Moore at Ally Calda kung saan tanging tig-isang hits lamang ang naipalusot nito sa Pinay squad.

Sunod na makakasagupa ng Blu Girls ang world No. 6 China na galing sa 1-2 kabiguan sa kamay ng Mexico.

Makakaharap din ng Blu Girls ang world No. 1 Japan, Mexico, Czech Republic, Netherlands, Canada, Australia, New Zealand, Puerto Rico at Venezuela.

Ang torneo ay bahagi ng paghahanda ng koponan para sa World Women’s Softball Championships na gaganapin sa Hulyo 15 hanggang 24 sa Surrey sa Canada.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with