ABS-CBN at Toni kinilala sa Reader’s Digest
MANILA, Philippines – Ang ABS-CBN ang tumanggap ng Platinum Trusted Brand Award, ang pinakamataas na gawad para sa isang brand sa taunang Reader’s Digest Trusted Brand Awards 2016 ng Reader’s Digest Asia-Pacific.
Nakamit ng ABS-CBN ang Gold Trusted Brand award for the TV Network category sa liming magkakasunod na taon mula 2010 hanggang 2015, ngunit ngayong 2016 unang nakamit nito ang Platinum Trusted Brand Award.
Ayon sa Reader’s Digest, ginagawaran ng Platinum Trusted Brand award ang brands na bukod-tangi ang performance at nakaani ng iskor na napakalaki ang agwat sa pinakamalapit na kalaban.
Sa 2016 Reader’s Digest Trusted Brand survey, nakakuha ng pinakamataas na iskor ang ABS-CBN sa TV network category sa survey na isinagawa sa mga mamimili sa Pilipinas ng CATALYST, isang global market research company. Nasa 1,000 respondents ang lumahok sa survey sa bansa.
Binigyan ang ABS-CBN ng mga lumahok sa suvery ng mataas na ratings batay sa Trustworthiness, Credibility, Quality, Value, Understanding of Customer Needs, Innovation at Social Responsibility. Kalahati ng lumahok sa survey ay subscribers ng Reader’s Digest, habang ang iba ay respondents naman ay pinili upang kumatawan sa pangkalahatang populasyon.
Ayon sa Reader’s Digest, isang emosyon ang trust na gumagabay sa ating desisyon. Intangible quality ito na nagbibigay hudyat na ang isang produkto o serbisyo ay reliable at may integridad. Napanalunan na ng ABS-CBN ang Gold Trusted Brand award sa TV Network category noong 2010, 2011, 2013, 2014, at 2015.
Samantala, kinilala rin ang Kapamilya star na si Toni Gonzaga ng Reader’s Digest bilang Most Trusted Entertainment/Variety Show Presenter na isang special award para sa most trusted personalities ng bansa.
Ang Reader’s Digest Trusted Brands Survey sa Asya ay inilunsad noong 1999. Taunan itong ginagawa at kasalukuyan ay nasa ika-18 na taon na. Layunin nitong kilalanin kung anong brands ang tunay na pinagkakatiwalaan ng mga mamimili sa Asya.
- Latest