^

Punto Mo

‘Emotionally strong’ ka kung…

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Hindi mo inisip kahit kailan na kawawa ka.

Hindi ka mapaghanap dahil kuntento ka sa kung anong mayroon ka.

Ang tingin mo sa bawat tao ay may kanya-kanyang uniqueness. Kaya no way para ikumpara ang iyong sarili sa ibang tao. Naniniwala ka na magnanakaw ng kaligayahan ang ‘social comparison’.

Hindi ka inggitero.

Ipinagpapatuloy mo pa rin ang pagsusumikap sa kabila ng kabiguan.

Hindi ka nagsasalita ng “hindi ko kaya”.

Matiyaga ka dahil alam mo na ang magagandang pangyayari ay hindi dumarating sa isang magdamagan lang.

Hindi mo inuulit ang mga pagkakamaling nagawa.

Bukas ang isipan mo sa mga pagbabago nangyayari sa iyong buhay.

Hindi ka mareklamo lalo na sa mga bagay na wala kang control.

Tanggap mo na “you can not please everybody”. Kaya hindi ka natatakot na sabihin ang iyong opinyon kung kinakailangan.

Marunong kang humingi ng tawad at magpatawad.

Hindi ka nakukuha sa lagay.

Hindi ka sipsip sa iyong boss. Bopols lang na empleyado ang mahilig sumipsip.

Alam mong magaling ka pero mapagkumbaba ka pa rin.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with