Miyembro ng ‘Sputnik’ itinumba
MANILA, Philippines - Pinagbabaril hang-gang sa mapatay ang isang 28-anyos na mi-yembro ng ‘Sputnik gang’ at sinasabing lumalakad ng panghoholdap ng ri-ding in tandem habang sugatan naman ng madamay ang kakambal nito at 8- taong gulang na anak sa Balut, tondo, Maynila, kahapon ng umaga.
Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Reynaldo Antipuesto, residente ng Kaunlaran St., Balut, Tondo dahil sa tinamong bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Sugatan naman ang kakambal nito na si Christian, 28, na nagtamo ng bala sa paa at anak nitong si Christian Jr., Grade 2 pupil na tinama-an ng bala sa tagiliran ng katawan. Hindi pa tukoy ang mga salarin na magkaangkas sa motorsiklo, nakasuot ng crack helmet at kapwa din nakasuot ng jacket.
Sa ulat ni PO3 Marlon San Pedro ng Manila Police District Homicide Section, ang insidente ay naganap dakong alas-5:30 ng umaga sa tapat ng bahay ng mga biktima.
Nabatid na kauuwi pa lamang ng biktimang si Reynaldo at habang nasa harap ng bahay ay biglang lumutang ang riding in tandem at pinagbabaril ito.
Nagkataong papalabas ng bahay ang kakambal na si Christian at anak nito nang maganap ang pamamaril kaya sila nadamay.
Iniimbestigahan pa ang motibo at kung sino ang mga suspek.
- Latest