^

Pang Movies

Orihinal na Zuma pumanaw at nailibing nang walang nakaaalam

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

May panahon namang sumikat bilang isang actor si Max Laurel. Isa siya sa mga paboritong kontrabida ni Fernando Poe, Jr. (FPJ) noong araw. Nabig­yan din naman siya ng break na maging bida sa isang pelikula. Tapos, mas nakilala siya nang gampanan niya ang papel ni Zuma, isang character sa komiks.

Mukhang iyon ang natanim na role ni Max sa lahat ng kanyang ginampanan. In fact, may iba na rin namang gumawa ng role na iyon, pero basta sinabing si Zuma, si Max Laurel iyon.

Bukod sa pagiging aktor, isang atleta rin si Max Laurel. Lagi siyang kasali sa mga basketball teams ng mga artista noong araw. Naging varsity player din siya ng Letran.

Malungkot na balita na yumao na pala siya at nailibing na kahapon. Ilang araw din daw siya sa funeral parlor. Pero hindi nga masyadong nabalita. Sana naman napuntahan siya ng mga kaibigan niya sa show business. Hindi natin namamalayan, bale 71 years old na pala si Max nang mamatay. Hindi mo sasabihing ganoon na ang kanyang edad sa kanyang hitsura.

Ganyan ang mga nakalulungkot na balita. Basta ang isang artista ay wala nang masyadong projects, parang nakakalimutan na. Maraming mga artistang ganyan. Mabuti pa nga si Max Laurel, kahit na papaano at sabihin mang nahuli ang mga balita na nauna pang lumabas sa mga social media, at least nalaman natin. Maraming mga ganyang kuwento na hindi na natin nalalaman. Maraming mga da­ting artista na basta hinanap natin, at saka na lang natin malalamang namatay na pala.

Marami kasi sa kanila, wala namang mga contacts sa media. Ang mga naiwan nila ay hindi rin naman kilala halos ang mga taga-show business. Kung may maghanap lang sa kanila, at saka malalaman iyon. Siguro nga isa iyan sa mga dapat tingnan ng mga guilds. Mga miyembro naman nila ang mga artistang iyan, na dapat sigurong makadama rin ng concern ng mga tao mula sa industriya.

Problema sa Abu Sayaff natabunan ng pag-atake sa Orlando

Maging ang mga artista natin ay nagpahayag ng pagkalungkot sa nangyaring massacre sa isang gay club sa Orlando, Florida. Isang taong sinasabing nag-identify sa kanyang sarili na kasama ng mga Muslim extremist ang gumawa ng pamamaril at pumatay ng limampu at nakasugat sa mahigit na limampung iba pa. Patay din naman ang lone gun man.

Dito sa atin, mabilis ang naging reaksyon ng gay couple na sina Aiza Seguerra at Liza Diño. Kasi nga noong una ay sinasabing iyon ay isang homophobic attack. Nagpahayag din ng pakikiramay si Lea Salonga.

Lahat naman halos ng mga artista ay nagpahayag ng kalungkutan dahil hindi naman dapat nangyayari ang mga bagay na iyon.

Ang isang malungkot lang, hindi tuloy napansin na dito rin sa bansa natin, may pinatay na naman ang bandidong grupong Abu Sayaff, at wala tayong nagawa. Hindi ba gusto pa nga ng gobyerno na bigyan sila ng mas malawak na kapangyarihan doon sa panukalang BBL? Minsan nakakatawa ang buhay.

Tamad at siya ang gustong sustentuhan, aktor sarili ang dapat sisihin kung bakit tinorotot ng misis

Tinorotot siya ng misis niya. Iyon ang sinasabi sa mga tsismis. Pero sabi naman ng iba, kung tinorotot naman daw ng misis niya ang dating male star, kasalanan din naman niya iyon. Nag-abroad kasi siya at ni hindi niya mapadalhan ng regular na sustento ang kanyang pamilya. Tapos nagbalik siya sa bansa para harapin ang misis niya na tumurotot sa kanya, pero kasabay noon nakisama naman siya sa isang Japayuki na binubuhay naman ng asawang Hapon. Tamad daw kasi ang male star. Gusto niya siya pa ang sinusustentuhan. Mukhang nasanay sa mga kaibigan niyang bading noon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with