^

PSN Palaro

Garcia nag-aalala sa kalusugan ng Rio-bound athletes

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi lamang ang kanilang mga katunggali ang haharapin ng mga Filipino athletes para sa darating na 2016 Olympic Games kundi pati ang Zika virus at tinatawag na “super bacteria” sa Rio de Janeiro, Brazil.

Kahapon ay ipinaramdam ni Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia ang kanyang labis na pag-aalala sa magiging katayuan ng mga Pinoy athletes sa Rio Olympics.

“It is sad because our young athletes are the ones who may be affected. They will be the carriers of this virus and not us the older people,” wika ni Garcia sa PSA sports forum sa Shakey’s Malate.

Nangangamba ang mga bansang lalahok sa Rio Olympics na nakatakda sa Agosto 5-21 dahil sa pagkalat ng Zika virus, isang mosquito-borne infection na lubhang nakakaapekto sa mga buntis at sanggol, bukod pa sa ‘super bacteria’.

Naghihirap din ang siyudad ng Rio ngayon at may problema sa liderato.

“We are concerned and we are monitoring this. Our embassy in Brazil is monitoring the situation,” sabi ni Garcia.

Hindi rin inaalis ng PSC chief ang pagkakansela sa quadrennial event kung lulubha pa ang pagkalat ng Zika virus at ‘super bacteria’.

Tanging sina boxers Rogen Ladon at Charly Suarez, taekwondo jin Kirstie Elaine Alora, table tennis player Ian Lariba at long jumper Marestella Torres pa lamang ang may tiyak nang tiket para sa Rio Olympic.

Hinihintay pa ang kumpirmasyon nina Fil-Am sprinter Eric Cray, weightlifter Hidilyn Diaz at marathoner Mary Joy Tabal.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with