^

Police Metro

Tandem utas sa suwag ng dump truck Joy Cantos

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo matapos na sila ay suwagin at magulungan pa ng dump truck kamakalawa sa kahabaan ng Maramag-Maradugao Road, Purok 3, D Magsaysay, Brgy. Kuya, Maramag, Bukidnon.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang si Junrey Bregildo, nasa hustong gulang, driver ng motorsiklo at angkas nitong si Zaida Mapandi Bregildo.

Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon ay binabaybay ng biktima ang nasabing highway nang bigla na lamang silang binangga ng Fuso dumptruck (ALA 7287) na minamaneho naman ni Fernando Telic.

Kapwa tumilapon sa motorsiklo ang dalawa na sa kamalasan ay nagulungan pa ng dump tuck na puno ng kargang buhangin at graba.

Ang suspek ay kinasuhan ng reckless imprudence resulting to double homicide.

 

vuukle comment

FACEBOOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with