^

Metro

Chinese drug lords sa Maynila tukoy na ng MPD

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tukoy na umano ng Manila Police District (MPD) ang ilang Chinese drug lords na nag-ooperate sa Binondo, gayundin ang  ilang Muslim drug personalities na ngayon ay kanila na nilang minamatiyagan.

Ito ang sinabi ni P/Sr. Supt. Marcelino Pedrozo, deputy director for operations ng MPD sa panayam sa Manila City Hall kung saan sinabi nito na iisa-isahin na nila ang mga drug lords  alinsunod na rin sa kautusan ni Manila Mayor Joseph Estrada.

Ayon kay Pedrozo, pinaiigting nila ang kampanya laban sa illegal na droga sa pamamagitan ng pagdakip sa mga  drug lords at ‘big-time’ drug traffickers sa Maynila.

Gayunman, tumanggi muna si Pedrozo na tukuyin ang mga drug syndicate at drug personalities sa pangamba na masunog ang kanilang operasyon. Subalit tiniyak nito na aalisin niya sa Maynila ang mga ito.

Ayon naman kay Estrada, handa siyang magbigay ng hanggang P100,000 sa sinumang makakapagturo sa    mga wanted na drug personalities sa lungsod.

Kilalang anti-drug crusader si Estrada simula pa noong matalaga siyang presidential adviser on Crime Prevention and Law Enforcement at chairman ng Presidential Anti-Crime Commission (PACC) noong siya ay bise presidente noong ‘90s.

Itinayo niya ang Philippine Drug Abuse Resistance Education (PhilDARE) Program noong Agosto 24, 1993 upang ilayo ang kabataan sa droga. 

Sa ngayon, tanging Maynila lang ang mayroong aktibong DARE sa buong National Capital Region (NCR). Ayon kay Pedrozo, todo suporta si Mayor Estrada sa kampanya laban sa iligal droga mula nang maupo siyang mayor noong 2013.

SINGAPOREAN BRANDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with