^

PSN Showbiz

Mother Lily hindi interesado sa MMFF

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Naikuwento ni Kiray Celis na naiyak daw siya talaga nang kinunan ang kissing scene nila ni Enchong Dee sa pelikulang I Love You To Death.

Ang isa sa ikinaiyak daw niya, hindi raw siya sanay na mahigit one take siya. Sanay daw siya na take one lang pag kinukunan ang eksena niya, pero sa halikan, naloloka raw siya dahil paulit-ulit na pinagawa sa kanya. “Naiyak-iyak na talaga ako, kasi hindi talaga ako sanay mag-ulit ng take eh. Okay lang yung mag-take uli pag ibang anggulo ang kukunan. Pero ‘yung eksena kunan uli, hindi ako sanay.

“Tapos kissing scene pa, ang hirap. Sabi nila hindi ko raw makuha. Kaya naiyak-iyak talaga ako,” pakli ng batang komedyante.

Pero pagkatapos daw ng kissing scene nila ni Enchong, dun na-rea­lize na masarap daw pala kahalikan kung huggable ang lalaki at nakikita niya ‘yun kay Enchong.

Sabi nga ng Kapamilya actor, iba nga raw ang halikan nila ni Kiray at mapapanood naman daw iyun sa July 6.

PAK: Isa si Mother Lily sa hindi umaayon sa bagong patakaran ng Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsa-submit muna ng finish product na pelikula at hindi na script. Panoorin muna ang buong pelikula bago piliin ang makapasok sa magic 8 ng MMFF.

Hindi raw niya alam kung magsa-submit siya dahil baka ma-disappoint lang daw siya.

Sa tagal daw niyang sumasali sa MMFF, hindi pa rin daw siya natutuwa sa pamama­lakad kaya hindi raw niya alam kung maiiba ito sa bagong grupo na hahawak ngayon.

Sana i-consider daw ng mga taga-MMFF na ang ganung filmfest tuwing De­cember ay para raw talaga sa mga bata, sa pamilya at hindi iyung mga klase ng pelikula na hindi nababagay sa holidays.

Kaya sa ngayon ay hindi niya masasabi kung sasali ba siya sa darating na MMFF.

BOOM: Sinadya na namin kahapon ang programa ng kilalang male TV personality na natsismis na nabuntis daw niya ang isang magandang talent na kababalik lang sa kanyang programa.

Nagulat si male TV personality sa kuwentong iyun dahil wala raw siyang kaide-ideya na may ganun palang tsismis.

Kaya deretsahan siyang natanong kung totoo ito. Pinatawag niya si magandang talent na kontesera sa mga beauty contest para linawin ang isyu. Sinabi ni girl na ang boyfriend niya ang nakabuntis sa kanya at nakakahiya naman daw kay male TV personality na napagbintangan pa siya.

Humingi lang pala siya ng tulong kay male TV personality nang makumpirma niyang buntis ito. Ang bata pa kasi nila ng boyfriend niya kaya hindi nila alam kung ano ang gagawin.

Tinulungan lang daw siya hanggang sa nakapanganak at ngayon ay pinabalik na siya sa trabaho.

Naiparating lang namin kay male TV personality na iyun ang kumakalat ng isyu, at mabuti ay nalinaw namin sa kanya na hindi pala totoo.

vuukle comment

MOCHA USON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with