Naiibang Presidente
Kaiba sa mga naging Presidente
ang kilos at gawi ni Digong Duterte;
Di siya katulad ng taong marami
na ang nasa isip siyang ginagawi!
Ang ugali niya’y kaiba sa lahat
ayaw n’yang tumira sa Malacañang Palace;
Gayong Pangulo na’t doon siya dapat
upang pamunuan bayang nagsasalat!
Sanay kasi na sa Davao manungkulan
dahil siya’y dating mayor na maalam;
Pero ngayong Pangulo ang pamunuan
buong bansa na – baka mahirapan!
Mahirap sa aming naririto sa Maynila
pumunta sa Davao kung may problema;
Kapag kami ay naapi’t walang pera
kanino tatakbo kami ay kawawa!
Sa pagtula-tula ako’y nasa media
na sa bawa’t katha lamang kumikita;
Sa pagkai’t gamot pinagkakasya
hindi ako lumalapit sa mga mapera!
Paris ko lamang na di makahabol
saka nang maraming mga Seniors;
Paano lalapit hihingi ng pabor --
upang mapalaki ang kanilang pension?
At sa huling saknong ng tulang ito
ay hinihiling ko sa Bagong Pangulo
Ang pension ng Seniors ayusin po Ninyo
SSS employees huwag mag-umento!
- Latest