^

PSN Palaro

Lassiter gigil nang makabalik sa porma

Rick Olivares - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Desidido si Filipino-American Marcio Lassiter na makabalik sa porma upang muling makuha ang kanyang puwesto sa Gilas Pilipinas na sasabak sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa Hulyo 5 hanggang 10 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kasalukuyang nagpapagaling si Lassiter sa kanyang sakit na pneumonia ngunit gigil na itong makapaglaro sa oras na mabigyan ito ng clearance ng kanyang doktor.

Dahil sa kanyang kalusugan, hindi isinama ni Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin si Lassiter sa 14-man lineup na nagtungo sa Europe para sumailalim sa training camp at tuneup games sa Greece, Turkey at Italy.

“He’s never pulled out of Gilas. As he’s to work to regain his strength, he wants to know the window period Gilas is giving him to catch up. Once cleared by his doctor, that’s the only time he’ll start running. It might be pointless for Marcio to fly to Europe. That’s why he wants to know when is the earliest and the latest he’s allowed to rejoin Gilas,” anang agent ni Lassiter na si Marvin Espiritu.

Nilinaw ng pamunuan ng Gilas Pilipinas na bukas pa rin ang pinto para kay Lassiter sakaling bumuti na ang kalagayan nito.

Ayon kay Espiritu, 10 pounds ang ibinaba ng timbang ni Lassiter at nasa 70 porsiyento pa lamang ito ng kanyang playing level.

Ngunit naniniwala ang kampo ni Lassiter na mabilis itong makakarekober at mangangailangan lamang ng isang linggong pahinga para makabalik sa training.

Tanging sina Andray Blatche, June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Ranidel de Ocampo, Marc Pingris, Troy Rosario, Gabe Norwood, Calvin Abueva, Jeff Chan, Bobby Ray Parks, Jayson Castro, Terrence Romeo, LA Tenorio at Ryan Reyes lamang ang nakasama sa Europe trip.

BASKETBALL

CADET POOL

COLLEGE BASKETBALL

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with