^

Punto Mo

‘Batas na pro-kriminal’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KATARANTADUHAN ang panukat at pamantayan ni Sen. Kiko Pangilinan sa Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 o Republic Act 9344. 

Kapag ang isang batang 15-anyos pababa nakagawa ng karumal-dumal na krimen, hindi pwede ng ikulong. 

Sa halip maghimas ng matatabang rehas sa bilangguan, ang bagsak DSWD at PNP. Subalit hindi para disiplinahin bagkus para arugain.

Ang biktima at pamilya ng biktima ng krimen hihingi ngayon ng hustisya. Pero dahil protektado ng RA 9344 hindi papanagutin ang suspek.

Maliban na lang daw kung alam ng batang sangkot sa krimen ang kaniyang ginawa. Mayroon na siyang sense of judgment, alam niya na ang tama at mali o sa Ingles “discernment” na mahirap madetermina sa korte.

Utak ito ni Kiko. Siya ang may akda na noong naipasa pareho sa Kongreso at Senado marami ang nagulat kung bakit naging ganap na batas.

Mabuti na lang sa administrasyon ni Duterte rerepasuhin na ang batas na pabor sa mga batang kriminal.

Sang-ayon ang BITAG sa panukalang ito. Ibaba ang criminal liability age ng isang bata o ‘juvenile’ na nakagawa ng krimen.

Sinabi ng napipisil ni Digong na susunod na House Speaker na si Rep. Pantaleon Alvarez, prayoridad ng administrasyon na amyendahan ang RA 9344.

Ang kanilang basehan kung saan matagal nang pabor ang BITAG, mga bata na ang nire-recruit ng mga sindikato para isagawa ang kanilang ilegal na aktibidades.

Naturalmente dahil lusot ang 15-anyos pababa ang edad na mga bata sa anumang kaso walang magiging problema ang mga putok sa buho.

Alagado na sila ng estado, pagkalabas sa DSWD balik na naman sila, dating gawi. 

‘Yan ang produkto ng utak mo, Kiko! 

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas mag-subscribe sa BITAG official YouTube channel.

vuukle comment

ECONOMIC JOURNALISTS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

FACEBOOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with