^

PSN Opinyon

Digong magmumulta kay Jesus Duresa

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

TINAWAGAN ako kahapon ni Jesus “Jess” Dureza, ang chairman namin sa Philippine Press Institute (PPI). Tulad nang alam nang marami, itinalaga ni incoming-President Rodrigo Duterte si Dureza bilang member ng kanyang gabinete. To be precise – Presidential peace adviser.

Komo ako ang kinatawan ng Star Media Group sa PPI at umaakto bilang tesorero, may mga inihabilin lang sa aking bagay si Jess na baka hindi na niya aktibong magampanan kapag nagsimula na siya sa kanyang posisyon.

Sabi ko sa kanya, “mahirap rendahan ang ating Presi­dente ano?”

Si Jess ay kamag-aral sa high school ni Duterte kaya sila close. Aniya sa akin, “wait and see pag-upo niya. Ma­giging very presidential na siya,” ani Dureza.

Nauna na nating narinig kay Duterte ang ganito: “I am enjoying the last days of my rudeness” sa huling panahon niya bago maupo bilang Pangulo. Sabi sa akin ni Jess, biniro daw niya si Duterte na pagmumultahin niya ito tuwing makakarinig ng pagmumura mula sa pre­sident-elect.

So, sinasamantala pala ni Duterte ang kanyang mga huling araw bago pumuwesto sa presidency. Kaso mukhang he is over-doing it sa puntong tila sang­ganong naninipol sa mga babae na dalawang beses nangyari sa dalawang newshen.

Opinyon ko lang ito, hindi gawain ng disenteng tao ang mag-wolf-whistle sa babae at sa katunayan, itinu­turing na itong sexual harassment sa bisa ng batas.

Dapat tandaan ng ating halal na Pangulo na ang whistle bomb ay pumipito rin nang matagal at ang kadulu­duluhan nito ay malakas na pagsabog!

SALOME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with