^

Police Metro

Drilon, Pimentel, Sotto at Cayetano maglalaban sa Senate presidency

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Maglalaban-laban bilang susunod na presidente ng Senado ang kasalukuyang lider na si Senate President Franklin Drilon, Senators Aquilino Pimentel III, Vicente “Tito” Sotto III at Alan Peter Cayetano.

Ito ang sinabi kahapon ni Senator Edgardo “Sonny” Angara na naniniwalang sinuman sa apat ay kuwalipikadong pamunuan ang Mataas na Kapulungan.

All the names coming out so far of those aspiring for the top Senate post, which include Sens. Alan Cayetano, Pimentel, Drilon and Sotto, are all qualified to take on the presidency of the Senate,” ani Angara.

Ayon pa kay An­gara, puwede namang paghati-hatian ng mga nabanggit ang iba pang posisyon sa Senado ka­tulad ng majority leader, minority leader, at Se­nate President Pro Tempore.

Ipinaalala ni Angara na walang nag-iisang partido ngayon sa Senado ang may sapat na bilang para matawag na majority at magluklok ng Senate president kaya kinakailangan magkaroon ng kowalisyon sa ibang grupo.

Ayon pa kay Angara, maraming negosasyong nangyayari sa mga kasalukuyang at mga bagong miyembro ng Senado.

Ang una aniyang aspirante na makakakuha ng suporta ng 13 senador ang tiyak na susunod na Senate president pero kung wala sa kanila ang makakakuha ng numero, mananatiling lider si Drilon katulad na nangyari kay dating Senate President Juan Ponce Enrile noong 2010.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with