^

PSN Showbiz

Isang anak ni Joey nakatapos na ng abogasya

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Masayang-masaya ang dating actress-turned businesswoman na si Brenda del Rio na nakapagtapos na ng abogasya ang panganay niyang anak (sa actor na si Joey Marquez) na si Jowee Ann Marquez na naka-graduate sa San Beda Alabang College of Law last Sunday, May 15. Nagtapos ng pre-law si Jowee Ann ng Political Science sa Ateneo de Manila University.

Right after her graduation ay sumabak agad si Jowee Ann sa bar review bilang paghahanda sa kanyang November 2016 bar exams.

Determined si Jowee Ann na maging isang mahusay na abogada balang araw.

Sa kabila ng mga pinagdaanang matitinding pagsubok, naigapang ni Brenda na mapagtapos ang kanyang dalawang anak (kay Joey) na sina Jo­wee Ann at Zia habang ang kanyang bunsong anak na si Hazel sa kanyang namayapang mister ay papasok na rin sa kolehiyo.

Helen at Tito Sen may bagong apo

After four boys, baby girl ang isinilang ng misis ni Gian Carlo “Gian” Sotto sa wife nitong si Joy Marie Woolbright na kanilang pinangalanang Ama­ri Jilian Sotto, ang pinakabagong apo ng mag-asawang Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa-Sotto.

Ang baby girl ng mag-asawang Gian at Joy ay isinilang last May 11, four days after ng kaarawan ni Helen.

Si Gian ay kaisa-isang anak na lalaki nina Tito Sen at Helen. Ang mag-asawa ay may tatlo pang anak na pawang babae – sina Lala, Apple at Ciara.

Sina Lala at Gian ay parehong nanalong konsehal ng 6th and 3rd district ng Quezon City habang ang kanilang amang si Tito Sen ay na-reelect sa senado.

  Alden at Maine maraming napuntahan sa Italy

Sa Mayo 28 ang balik nina Alden Richards at Maine Mendoza galing Italy kung saan kinunan ang maraming eksena ng pelikulang Imagine You & Me na pinamamahalaan ni Mike Tuviera under APT Entertainment at GMA Films. Ang nasabing pelikula na tinatampukan din ni Jasmine Curtis-Smith ay siyang magiging first anniversary movie offering ng tambalan AlDub na magsi-celebrate ng kanilang first anniversary bilang magka-loveteam on July 16, 2016.

Siguradong hindi pinalampas ni Direk Mike ang magagandang tanawin ng Italy laluna ang Lake Como, ang popular tourist attraction kung saan matatagpuan ang mga rest house ng popular celebrities tulad nina Madonna, George Clooney, Sylvester Stallone, Julian Lennon, Richard Branson, Ben Spies, Pierina Legnani, Matthew Bellamy, John Kerry at iba pa.

Ang Lake Como ay isa sa pinakamalalim na lake sa buong Europe kasunod ng Lake Garda at Lake Maggiore with 660 ft. below sea level.

Matatagpuan din sa Lake Como ang maraming artistic and cultural gems at iba’t ibang magagandang villas (by the shores) tulad ng Villa Olmo, Villa Serbelloni at Villa Carlotta.

Habang nagsu-shooting ang tropa sa Como, Italy, dumalaw sa set ang mayor ng Como na si Mayor Mario Lucini kung saan nakakipag-pabebe wave siya kina Alden at Maine. Na-feature rin ang AlDub shooting sa Italian news website na La Provincia.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with