^

Para Malibang

Bisita itinuturing na regalo sa Georgia

Pang-masa

Ang mga tao sa bansang Georgia ay parang mga Pinoy din na maasikaso sa mga bisita. Tulad ng mga Pinoy, ang mga Georgian ay kilala sa kanilang hospitality.

Gustung-gusto pa nga nila na nagkakaroon sila ng mga bisita dahil itinuturing nila ang mga ito na “regalo”. Kaya ang mga foreigner ay mga “regalo” sa kanilang bansa.

Kung ikaw ay may kaibigan sa Georgia, siguradong iimbitahan ka nito sa kanilang ta­hanan. Huwag tatanggi sa kanilang alok at paunlakan ang hiling na makapiling ka ng kanilang pamilya.

Tinatawag na supra ang isang malaking dinner party na may maraming “toast” o pagbubun­yi gamit ang alak. Ang kadalasang itinu-toast ay wine, dahil ang beer ay ginagamit lamang para makipag-toast sa mga kaaway. Kaya ‘wag makikipag-toast kung umiinom ng beer.

Ang toastmaster naman o “tamada” ay namimili ng mga tao para sa isang mahabang toast session. Para naman sa special toast, gumagamit ng sungay at dito inilalagay ang alak na pagpapasahan sa lahat ng bisita na nasa mesa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with