^

PSN Palaro

Raptors vs Cavs sa East Finals, Heat sinibak

Pilipino Star Ngayon

TORONTO--Isinigaw ng mga Toronto fans ang ‘We Want Cleveland!’ sa huling mga segundo ng laro.

At ito ang kanilang nakuha.

Nagpasabog si Kyle Lowry ng 35 points, habang may 28 si DeMar DeRozan para tulungan ang Raptors na sibakin ang Miami Heat,116-89 sa Game 7 ng kanilang sermifinal series.

Ito ang unang confe­rence finals ng Toronto sa kanilang franchise history.

Nagdagdag si Bismack Biyombo ng 17 points at 16 rebounds para sa Raptors na lalabanan ang Cavaliers para sa Eastern Conference finals.

Nakatakda ang Game 1 sa Cleveland sa Martes.

“It’s great to hear the home crowd,” ani DeRozan.

Matapos mahirapan sa playoffs ay nagtuwang sina Lowry at DeRozan sa Game 7.

Nagtala si Lowry ng 11 of 20 shots, kasama rito ang 5-of-7 sa 3-point range, at tumipa si DeRozan ng 12 of 29 attempts.

Nagdagdag din si Lowry ng 9 assists at 7 rebounds, habang may 8 boards si DeRozan.

Nag-ambag naman si DeMarre Carroll ng 14 points at may 11 si Patrick Patterson para sa Raptors, naging ika-15 koponan sa NBA history na nanalo sa dalawang Game 7 sa isang postseason.

Nauna nang tinalo ng Toronto ang Indiana sa Game 7 sa first round.

Paghahandaan naman ng Raptors si LeBron James at ang Cavaliers, winalis ang Detroit sa first round at ang Atlanta sa second round.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with