^

PSN Showbiz

Daniel negative na sa pelikula ni Vice Ganda!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Erased na pala si Daniel Padilla sa movie nila ni Vice Ganda. After Coco Martin, si DJ ang pinaplano sanang ipareha sa komedyante, pero pinalitan na siya ni John Lloyd Cruz. Matutupad ang dream ni Vice na maging direktor ang box office direktor ng Just The 3 Of Us na si Cathy Garcia Molina.

Kahit ialok pa raw, Anne Curtis graduate na sa Darna!

KUNG marami ang nagkakandarapa para ma-con­sider man lamang sa muling pagsasapelikula ng Darna, hindi si Anne Curtis na nagsabing kapag ina­lok sa kanya ang role ay tatanggihan pa niya. She believes na tapos na siya sa pagganap sa mga ganitong fantasy roles. Happy na siya sa paghu-host sa TV. She is currently hosting Tawag ng Tanghalan sa Showtime kasama sina Vice Ganda, Mariel Padilla, at Amy Perez at sinabi niyang enjoy sa kanyang trabaho.

Hindi nawawalan ng contestant sa show at mas magaling na ngayon ang mga sumasali na malala­yo na ang pinanggagalingan. Nai-inspire siya sa mga contestant sa pagkanta.

Masaya rin siya sa kinahinatnan ng I Love OPM na nanganak ng isang mas malaki at bagong show na nagtatampok sa mga local artist.

Balita ring pahahawakin siya ng isa pang amateur singing contest. Kung nag-fail man siyang maging isang diva, at least nagiging isa siyang in demand na-host ng mga paligsahan sa pagkanta.

Zsa Zsa masuwerte at may nabalikan

Tama lang na manahimik na lang si Zsa Zsa Padilla at huwag nang isapubliko pa ang dahilan ng paghihiwalay nila ng boyfriend niyang arkitekto. May pinagsamahan sila at naging masaya naman sila. Move on na lang siya.

Mukha namang mabilis siyang mag-heal at nagagawa nang ngumiti at pag-usapan ang kanyang naging karanasan sa pag-ibig. Mabuti na lamang at mayroon siyang bahay at pamilya na nabalikan. Meron pa rin naman siyang career, mas madali ang magiging recovery niya.

Jinggoy idol ng anak na si Janella

Mayroon na palang sumusunod sa yapak ni Jinggoy Estrada sa pulitika. Naluklok bilang Vice Mayor ng San Juan ang anak niyang si Janella Ejercito.

Volleyball players ng DLSU mga artistahin

Pinatunayan ng mga manlalaro ng volleyball ng De La Salle University na nag-champion sa UAAP this year na hindi lang sila magagaling na players, kundi magaganda rin silang babae. Dalawa lamang sa mga La Salle Spikers ang nag-guest sa Tonight With Boy Abunda sina Kianna Dy at Mika Reyes, pero more than enough sila to represent the whole team.

Na-miss ko sina Kim Fajardo at Ara Ga­lang. Made up naman ang dalawang player. Mahihiya nga ang lahat sa ikli ng skirt ni Mika kaya lang medyo shy ito.

Ang ganda naman pala ni Kianna kapag naka-dress dahil artistahin. Congrats sa kanila at sa buong team.

Janine namana ang talent ng pamilya

Talagang apo rin pala ng Superstar na si Nora Aunor si Janine Gutierrez sa husay na ipinamamalas niya sa teleserye nila ni Aljur Abrenica na Once Again sa GMA. But then, hindi lamang naman si Nora ang magaling na artista sa pamilya. Magaling din ang mom niyang si Lotlot de Leon, tiyahing si Matet de Leon at tiyuhing si Ian de Leon. Wala marahil tututol kung sasabihing may pagmamanahan din siya sa amang si Christopher de Leon.

Pacman mas mananalo kung makikipag-ayos sa LGBT

Hindi rin dapat ipagyabang ng kampo ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ang pagkakahalal sa kanya sa Senado. Malaking tao yata siya sa larangan ng boksing at ang dami niyang fans and followers. Mas ma-insecure siya kung natalo siya gayong malaki ang isyu ng pagiging absentee niya sa Kongreso.

Patunayan na lamang niya na isa siyang mahusay na public servant at kalimutan na ang boksing since retirado na naman siya. 

Makipagbati na siya sa LGBT community. He can be magnanimous in victory. Obligasyon niya ang maging mapagkumbaba sa lahat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with