^

PSN Opinyon

Mga magsasaka ng Pangasinan

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MINSAN kinulit ako ng isa nating kuwago,”Chief Kuwago, sigurado ka ba diyan sa mga GMO?”

‘Nakita mo na ba iyan?’ tanong pa ng Kamote.

Yes, nakita ko na sa UPLB kung paano talaga ang pananaliksik sa mga genetically modified organisms o GMO.

Teka, yong BT corn nga pala ang unang GMO sa Philippines my Philippines. Kaya tuloy napasugod ako sa bayan ng Sison sa Pangasinan kamakailan at nakipag-usap sa ilang grupo ng mga magmamais na nagtatanim ng mga  Genetically Modified corn.

Sa kuentuhan namin ng mga magsasaka, malaki ang naging tulong sa kanila ng GM corn dahil tumaas ang kanilang kita.

Sabi nga, nadagdagan nang husto ang kanilang inani at nabawasan ang gastos nila sa mga pestisidyo.

Ika nga, that’s nic

Tulad na lang ni Ernesto Cacdac, 73 years old, na mahigit apat na dekada nang nagtatanim. Nasubukan na raw niyang magtanim ng mais, palay, at kung anu-ano pa sa kanyang pinagsasakahan.

Pero tanging sa GM corn lang daw lumakas ang kaniyang kita dahilan para mabayaran niya ang lahat ng pagkakautang niya.

Sabi niya sa limang taong pagtatanim ng GM corn, napagtapos niya ang kaniyang tatlong anak sa kolehiyo. Naipaayos niya ang kaniyang bahay at nakabili rin siya ng kalabaw at baboy.

Birada ni Mang Ernesto, hindi na siya babalik sa pagtatanim ng commercial corn dahil malayung-malayo ang ani kumpara sa GM corn.

Inamin ng magsasaka na noong simula kabado sila!

May mga grupo raw na nagsasabing masama ang mga GMO. Tinanong naman nila kung ang mga ito ay magsasaka.  Ang sagot naman nila, sila raw ay tumutulong para maparami ang ani ng kanilang maisan.

Nakapagtanong na sila noong dumating ang reklamador na ito at maganda naman ang ani. Totoo naman gumastos sila, pero nabawi naman nila agad sa ganda nang ani.

Kahit matagal silang nagsasaka hindi na naalis ang kanilang pag-depende sa mga financier.

Sabi nga, sa isang masamang ani lang, baon agad sila sa utang.

Pero dahil sa makabagong technolohiya tulad ng BT corn, nakaahon sila sa matinding kahirapan.

Eto na binalikan ko ang ating kuwagong makulit at na-ikuento sa kanya ang aking nakita.

‘Yun pala noon pa siya nagpaplanong magtanim ng GMO at gusto niya lang makisugurado.

Pero hindi ba gobierno ang kaniyang tinanong, at hindi pa ang Chief Kuwago na isang peryodista?

Abangan.

Dapat na silang magbitiw!

NAPABUNTONG hininga dahil kaginhawahan at malamang mawala ang “trauma’ nang mga pasahero sa NAIA ‘worst airport’ kapag dumarating o umaalis ang mga ito dahil sa pagkaka-panalo ni Mayor Digong Duterte sa bilang pangulo ng Philippines my Philippines, nakakatiyak sila magkakaroon ng malaking pagbabago sa paliparan ilang araw mula ngayon.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, masisibak na ang mga bright people dito na nagpabaya sa kanilang mga tungkulin at nagbigay ng malaking kahihiyan sa Philippines my Philippines abroad.

Ano kaya ang masasabi rito ngayon ni MIAA general manager Bodet Honrado? Kapit - tuko pa rin kaya siya sa NAIA?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang nangyaring mga kapalpakan sa ilang pasahero sa NAIA ‘worst airport’ ay isang masamang panaginip para sa kanila at kanilang mga mahal sa buhay dahil hindi birong karanasan ang nangyari sa kanila porke biktima sila ng mga kagaguhan sa paliparan kaya naman nagdulot ito sa kanila ng takot at kahihiyan.

Ang mga biktima ng ‘tanim-bala.’extortion scam, ang naranasang mabahong kubeta, ang tubig baha sa ika-apat na palapag ng NAIA ‘worst airport’, ang pagbagsak ng kisame, ang mga bastos na empleado dito, ang mga nakawan sa kanilang mga bagahe at ang pinakamatinding perwisyo na naranasan ng madlang passengers sa airport ay ang ‘blackout’ dahil lamang sa sirang baterya.

Ang ilang sa mga kapalpakan sa NAIA ay hindi nabigyan ng maayos na solusyon ng mga pa bright, bright at pakaang-kaang na mga officials dito.

Ngayon pag-upo ni Duterte sa Malacañang tiyak magbabago lahat ang galawan sa NAIA ‘worst airport’ dahil nakakatiyak ang mga airport observers na masisibak sila sa ayaw nila at sa gusto.

‘Dapat silang sampahan ng kaso dahil hindi basta-basta ang pinaggagawa nilang kapabayaan at kapalpakan sa NAIA.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Abangan.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with