State of calamity sa Puerto Princesa dahil sa El Niño
MANILA, Philippines – Isinailalim na sa state of calamity ang lungsod ng Puerto Princesa sa lalawigan ng Palawan dahil sa patuloy na pag-iral ng El Niño.
Napagkasunduan ng Sangguniang Panglungsod nitong Biyernes na ideklara ang state of calamity upang magamit ang nakalaang pondo.
Ayon sa Task Force El Niño, nasa 90 porsiyento na ng 66 barangay ng Puerto Princesa ang nakararanas ng tagtuyot.
Bukod sa pagkatigang ng mga lupa ay bumaba na rin ang antas ng tubig sa Irawan Water Shed sa Barangay Irawan, kung saan umabot na to sa ikatlong alarma.
Dahil dito ay hindi na sapat ang tubig ng lungsod upang mapunan ang pangangailangan ng publiko.
Aabot sa P20 milyon pondo ang magagamit ng lungsod para maibsan ang epekto ng El Niño.
- Latest