Lawa Biglang Naglaho
Isang lawa ang kataka-takang literal na biglang naglaho sa Patagonia, Chile noong May 2007. Nag-iwan ito ng 30 metro na lalim ng hukay, icebergs, at lupa.
Pero ang nakapagpaisip sa mga tao ay hindi ito basta lang maliit na lawa, may lawak itong 5 milya. Kaya naman takang-takang ang mga siyentipiko na huling nakita ang lawa noong Marso 2007. Wala umanong nakitang kakaiba ang mga siyentipiko para bigla na lang mawala ito.
Walang makapagsabi at makapagpaliwanag kung paanong biglang naglaho ang lawa sa loob lamang ng dalawang buwan.
Hindi lang iyan, ang ilog na umaagos mula rito ay lumiit din sa isang sapa.
Wala rin umanong nai-report na lindol para maging dahilan ng pagka-drain ng tubig sa nasabing lugar.
Samantala, may mga naniniwalang kagagawan ito ng UFO at isang spaceship umano ang umubos ng tubig sa lawa.
Kagagawan nga kaya ito ng ibang entity mula sa ibang planeta? Tama nga kaya ang iba na kinuha ang tubig sa lawa para pag-aralan ito ng mga alien? Kayo na ang humusga.
- Latest